Layunin: Upang mabigyang linaw ang kaugnayan ng tao ayon sa kautusan; at ano ang katayuan ng tao sa harap ng kautusan ng Diyos.
Panimula: Kapag ang mga batas / kautusan ay ginawa at ipinatupad sa kahit anong lugar (Hal. Bansa o samahan), ang mga ito’y pinagtitibay… (Tagapanguna: Maaaring tanungin ang mga nakikinig kung bakit may batas upang makuha ang kanilang pananaw.)
- Upang magkaroon ng kaayusan sa buhay ng mga nasa komunidad / o anumang samahan.
- Upang parusahan ang mga lumalabag dito. (Tandaan: kung ang batas ay walang katapat na parusa, halos wala rin itong pinagkaiba sa walang batas / kautusan.)
Pagtanggap sa MORAL NA KAUTUSAN ng Diyos – ito’y ipinaliwanag ng Biblia sa Sampung utos ng Diyos
Basahin: Deuteronomio 4:13
“At Kanyang ipapahayag sa inyo ang Kanyang tipan na Kanyang iniutos na inyong ganapin, samakatuwid ay ang sampung utos; at Kanyang isinulat ang mga ito sa dalawang tapyas na bato.”
Tagapanguna: Alamin ang pakiramdam ng nakikinig kung malaman na siya’y nasa ilalim ng kautusan ng Diyos. Tandaan ang mga alam niya sa 10 utos – ano rito ang kanyang mga nalalaman?
ANG BUOD NG KAUTUSAN NG DIYOS
Basahin: Mateo 22:36-40 ABAB
“Guro, alin ba ang dakilang utos sa kautusan?” 37 At sinabi sa kanya, ” ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.’ 38 Ito ang dakila at unang utos. 39 At ang pangalawa ay katulad nito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.’ 40 Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta.”
Tagapanguna: Tandaan ang posibleng hayagan na paglabag ng taga pakinig sa kahit anong kautusan, ito ang pagtuunan.
- Ibigin ang Diyos ng higit sa Lahat
- Una – “Walang ibang diyos maliban sa Akin” – walang katunggaling katapatan sa Diyos
- Ika-2 – “Huwag luluhod sa kahit anong imahen” – Espirituwal na pagsamba
- Ika-3 – “Huwag gamitin ang ngalan ng Diyos sa walang kabuluhan” – paggalang sa Diyos at sa Kanyang nilikha o ginawa
- Ika-4 – “Igalang ang Araw ng Pamamahinga” – maglaan ng isang araw para sa Pagsamba
- Ibigin ang kapwa gaya ng sarili
- Ika-5 – “Igalang mo ang iyong ama at ina” – paggalang sa may katungkulan o awtoridad
- Ika-6 – “Huwag kang papatay” – pagbibigay ng halaga sa buhay at pagkatao ng kapwa
- Ika-7 – “Huwag kang mangangalunya” – katapatan sa pag-aasawa
- Ika-8 – “Huwag kang magnanakaw” – paggalang sa pag-aari ng kapwa
- Ika-9 — “Huwag sasaksi sa di katotohanan” — katapatan sa katotohanan
- Ika-10 – “Huwag kang mag-iimbot” – kalinisan ng motibo at kaisipan
MGA MALING PANGKASALUKUYANG KAISIPAN kung ano ang relasyon ng tao sa kautusan ng Diyos:
Tagapanguna: Mahalaga ang mga sumusunod. Sikaping maitama ang mga maling pananaw sa tulong ng biyaya ng Diyos. Maaaring balikan ang unang aralin tungkol sa karapatan ng Diyos para maitatag ang awtoridad ng kautusan ng Diyos sa mga nakikinig.
- Kaisipan # 1 – “Walang sinumang perpekto. Hindi talaga tayo inaasahan ng Diyos na seryosong sundin ang lahat ng kautusan.”
- Basahin: Galacia 3:10 (cf. Santiago 2:10) Sapagkat ang lahat ng umaasa sa mga gawang kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.”
- Ano ang resulta ng paglabag sa kautusan ng Diyos?
- SUMPA – May nakalaang kaparusahan ang Diyos
- Kaisipan # 2 – “Sinusubukan kong sundin ang lahat ng kautusan ng Diyos. Natutuwa na Siya sa akin.”
- Basahin: Roma 3:19,20 Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabing kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ‘walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,’ sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala sa kasalanan.
- Ano ang idinulot ng kautusan ng Diyos sa moralidad ng tao?
- NAMULAT SA KASALANAN – nasa ilalim ng kaparusahan / hatol ng Diyos
- Basahin: Mateo 5:21, 22, 27, 28 …ang bawat napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman… ang bawat tumitingin sa isang babae ng may pagnanasa ay nagkasala na sa kanya ng pangangalunya sa kanyang puso.
- Hanggang saan ang inasahan ng Diyos na pagsunod natin sa Kautusan?
- PANLOOB (puso) – hindi lang ang panlabas na ginagawa, maging ang kalagayan ng puso (o isipan).
- Basahin: Roma 3:19,20 Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabing kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ‘walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,’ sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala sa kasalanan.
Tagapanguna:Bigyang diin na ganap na pagsunod ang hinihingi ng kautusan at walang kahit sinuman sa atin ang nakasunod dito, maliban sa nag-iisang Anak ng Diyos.
- Ang Paghahayag ng Makasalanan (Tagapanguna: Ito ang mga nararapat na maging pag-amin ng mga nakikinig. Kung hindi man nila ito mabigkas o maamin, isara ang aralin sa panananalangin na buwalin ng Diyos ang kanilang matitigas na puso upang sila’y magpasakop sa kautusan ng Diyos.):
- Ako’y lumabag sa Kautusan ng Diyos at ako’y isang makasalanan.
- Wala akong pag-asa na tanggapin ng Diyos sa pamamagitan ng sarili kong mabubuting gawa.
Sa Diyos lamang ang Kapurihan.
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.