HGA – Children’s Catechism: #2 Ano pa ang Nilikha ng Diyos?

Sagot: Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay.

Binigyang diin ng unang tanong na ang Diyos ang lumikha sa mga tao. Ngunit hindi lang ang mga bata at ang lahat ng tao ang nilikha ng Diyos. Siya din ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Gaano man nakakamangha sa ating paningin ang mga malalaking hayop sa lupa o sa ilalim ng dagat, gaano man nakakahanga ang maliliit na mga bagay na halos hindi natin makita, gaano man makapigil-hininga ang mga bitiun, planeta, ang mga napalakalawak na kapulungan ng mga bituin o galaxies, at ang buong uniberso, lahat ng mga ito ay nilikha lamang ng Nag-iisang Diyos.

Ang Diyos ay walang pasimula, ngunit ang lahat ng bagay na nilikha ay nagsimula. Ang Genesis 1:1 ay nagsisilbing panimula sa literal na anim na araw ng paglikha ng Diyos. Sinabi dito na “Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at lupa.” Ang mga salitang “langit at lupa” ay tumutukoy sa lahat ng bagay. Ang mga bagay na tila kababalaghan para sa atin kung paano nabuo ay nalikha lamang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos mula sa wala. Sinalita Niya ang mga ito at sila’y nalikha. Ang mga bagay sa kalangitan, sa lupa, at sa karagatan ay gawa ng makapangyarihang Salita ng Diyos.

Kaya nga naman mali ang Big Bang Theory na nagsasabing ilang bilyong taon na ang sanlibutan. Na ang lahat ay biglang sumulpot lamang, walang Manlilikha at umiiral ng walang direksyon at layunin. Dapat ituro sa mga bata na malinaw ang Bibliya tungkol sa kasaysayan ng paglikha at mula lamang sa kapahayagan ng Diyos tayo makakakuha ng sapat na kasagutan ukol dito.

Dahil ang lahat ng bagay ay nilikha ng Nag-iisang Diyos—ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu—nararapat lamang na ituro sa mga bata na kanilang pahalagahan at ingatan ang anumang mga bagay na abot ng kanilang mga kamay. Sila rin ay inaatasan ng Diyos bilang Kanyang katiwala dito sa mundo.

Himukin din nating sila na magpasalamat dahil nilikha ng Diyos ang mga bagay para sa ikabubuti ng tao at sa Kanyang kaluwalhatian.

Sa Diyos lamang ang Papuri!

This is a Tagalog translation of the Catechism for Young Children which is available online: https://bit.ly/3lewkCN

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: