Isang tao sa dakong silangan
Pagtangis dala-dala saanman
Ni mga luha ay di na sapat
Upang maipamalas ang bigat.
Tila ba nakapiring ang mata
Dilim! Dilim! Wala nang makita
Aahon pa ba sa tanikala
Kasalanang pilit humihila
Mayroon pa bang maidadaing?
Pighati’y lagi namang kapiling
Mga panahong walang wala na
Ang tanong ay, “May pag-asa pa ba?”
Dakilang liwanag ang sumilay
Aking kaluluwa’y akay-akay
Di akalaing may kasagutan
Sa mahihirap na katanungan.
Napagtanto na ang kasalanan
Ang siyang tunay na kadahilanan
Ng sakit, hirap at kadiliman
Sa mundong ating ginagalawan.
Walang masambit kundi papuri
Kay Kristo, ang Diyos na natatangi
Ang lahat ng ating kasalanan,
Dakilang liwanag, S’yang pumasan.
DAKILANG LIWANAG

Praise God! Well done Brother Armel.
LikeLiked by 1 person
Amen.
LikeLike