Sampung Tulong Laban sa mga Plano ni Satanas # 1

At ito ay aming ginagawa upang huwag kaming malamangan ni Satanas, sapagkat kami ay hindi mangmang tungkol sa kanyang mga balak.

2 Corinto 2:11

Kung si Satanas ay may napakaraming paraan at estratehiya upang bitagin at wasakin ang kaluluwa ng mga tao; sa halip na pagbulayan na kaunti lamang ang ligtas, tayo’y umupo at pagbulayan na mayroong naliligtas, na mayroong nakakatakas sa mga patibong ng tusong mandaragit, na ikinakalat ang kanyang lambat at inihahagis ang kanyang mga pain saan mang lugar, sa lahat ng pagkakataon.

Ito ang ilan sa mga tuntunin at tulong laban sa pakana ng Kaaway.

#1 Lumakad ayon sa Tuntunin ng Salita ng Diyos

Ang unang tulong.

Kung ikaw ay hindi mahuhulog sa anumang mga pakana ni Satanas, ikaw ay lumakad sa tuntunin ng salita ng Diyos (Pro 12:24; Gal 6:16). Siyang lumalakad sa tuntunin ay lumalakad nang may pag-iingat; siyang lumalakad sa tuntunin ay lumalakad nang may dangal; siyang lumalakad sa tuntunin ay lumalakad nang may katamisan.

Sa tuwing tinatapon ng mga tao ang Salita, sila ay itatapon ng Diyos, at kukunin ni Satanas ang kanilang kamay, at sila’y dadalhin sa kanyang patibong ayon sa kanyang kagustuhan.

Siyang nag-iisip na mas mahusay pa kaysa sa pamunuan ng Salita ay magiging masyadong masama para ariin ng Diyos. At kung siya ay hindi aariin ng Diyos–ang Kaaway, sa pamamagitan ng kanyang pamamaraan, ang magpapabagsak sa kanya.

Silang nag-iingat ng tuntunin ay maiingatan sa oras ng tukso.

Pahayag 3:10

Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.


*Ito ay salin ng isinulat ni Thomas Brooks mula sa Free Grace Broadcaster: Satan and His Deception mula sa aklat ni Thomas Brooks na Precious Remedies against Satan’s Devices

Ang larawan sa blog na ito ay mula sa Pexels.com

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: