“Matutuo ng Biblical Greek sa pagbubulay nito.”
An interesting phrase here is the phrase τί ἐμοὶ καὶ σοί,γύναι (*ti emoi kai soi, gunai)
May mga narinig akong nagsabi na dito ay tila hindi Niya nirespeto ang Kanyang earthly mother.
Ayon sa NET Study Notes, Semitic ang pinagmulan nito. Ang katumbas na ekspresyon na ito sa lumang tipan ay may dalawang kahulugan.
Una, sa tuwing ang isang tao ay di-makatuwirang ginugulo ng isa pang tao, maaari niyang sabihin, “What to me and to you?” na nangangahulugang, “What have I done to you that you should do this to me?” (Judg 11:12, 2 Chr 35:21, 1 Kgs 17:18).
Ikalawa, sa tuwing ang isang tao ay inanyayahan na makilahok sa isang gawain na wala naman siyang kinalaman, maaari niyang sabihin, “What to me and to you?” na nangangahulugang, “That is your business, how am I involved?” (2 Kgs 3:13, Hos 14:8).
Ang una ay nagpapahiwatig ng pagkainis, ang ikalawa ay nagpapakita na ayaw lamang makibahagi ng isang tao. Sa tekstong ito, tiyak na hindi lamang si Hesus nagpakita ng interes o nais niyang sabihin na ito ay walang bahagi sa kanya.
Gayonpaman, kahit tila “disengaged” si Hesus sa pagsabi nito. Ipinakita Niya pa rin ang Kanyang malasakit sa pamamagitan ng isang himala (ἀρχὴν τῶν σημείων). Ito’y nagresulta sa mabuti at tumungo sa pananampalataya ng Kanyang mga disipulo at pagpapamalas ng Kanyang kaluwalhatian (…καὶ ἐφανέρωσεν τὴν δόξαν αὐτοῦ v.11)
Sa Diyos lamang ang kapurihan!
*Ang mga salitang may asterisk ( * ) ay transliterasyon ng salitang griyego na sinundan nito.
Bisitahin ang loveGreek para sa ilang Greek New Testament concepts review.