Sermon Text: 1 John 3:16
Dito natin nakikilala ang pag-ibig, sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay alang-alang sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay alang-alang sa mga kapatid.
Message: Ang nagpapakasákit na pag-ibig ni Kristo para sa Kanyang mga minamahal ang sukdulang halimbawa ng pag-ibig sa kapatiran. (Christ’s sacrificial love for His beloved people is the supreme pattern of love for the brethren.)
Note: Christ’s love was demonstrated at the cross. It is sacrificial. He suffered and died for His people.
Why is Christ’s sacrificial love the supreme pattern of love for the brethren? It is because of… (1) The Unworthiness of the loved (2) The Loveliness of the Lover
The Unworthiness of the loved … alang-alang sa atin
Note: Before we expound the supreme demonstration of the love of God, we’ll first see the condition of the loved. Bakit binigyang diin ng kasulatan na ang pag-ibig na dapat nating gayahin ay katulad ng pag-ibig ni Kristo?
- alang-alang sa atin – sino ba tayo? Ano ba ang mayroon sa atin? Ano ba ang nararapat sa atin?
- John 3:16 – Gayun na lamang ang Pag-ibig ng Diyos sanlibutan – Alam natin na ang sanlibutan ay tumutukoy sa rebelde at masamang sangkatauhan. Mga taong ayaw sa Diyos.
- Ang “tayo” na inibig ni Kristo ay di mabubuting tao. Kung ating kukunin ang pahayag ng kasulatan, makikita natin na hindi tayo karapat-dapat sa pag-ibig na ito.
- Romans 5:6, 8 – namatay para sa masasama… na noong tayo’y mga makasalanan pa
- Kung ikaw ay Kristiyano – ang kalagayan mo ngayon ay hindi ganap na matuwid dahil nagkakasala pa rin sa kabila ng pag-ibig ng Diyos. Hindi ka binago muna ng Diyos bago ka Niya inibig.
- Hindi nagsimula ang pag-ibig ni Kristo sa iyo noong ikaw ay na nanumbalik sa Kanya kundi habang ikaw ay umaayaw at namumuhay ng taliwas sa kalooban Niya.
- This does not encourage a sinful life. If you are God’s sheep, you won’t respond this way, “Mahal naman ako ng Diyos, kaya tutuloy ko lang ang pagkakasala.”
- Paul’s letter was written to the church in Romans – the people of God who have been saved by God’s grace. This encourages a holy life, living for the One who loves sinners supremely.
Point: Makikita lamang natin ang kagandahan ng pag-ibig ni Kristo na dapat nating tularan kung ating makikita na tayo ay hindi karapat-dapat sa pag-ibig ng kahit sinoman.
May makakapagsabi ba sa atin dito na tayo ay karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos? Kung ikaw ay Kristiyano, dapat alam mo na wala kang karapatan sa pag-ibig ng Diyos!
Illustration: Isang manangangaral na nagpapahayag ng ebanghelyo at sinasabi na “God loves you, and He has a wonderful plan for your life.” Kahit na mali ang paraan ng pangangaral ng ebanghelyo, isang babae ang nakarinig at imbes na matuwa, siya ay nakaramdam ng matinding feeling ng “unworthiness.” Dahil naisip niya na walang dahilan para ibigin Siya ng Diyos.
Challenge: Sa tuwing ikaw ay makakaramdam ng kawalan ng pag-ibig sa kapatiran, pagbulayan mo ang pag-ibig ng Diyos sa tulad mong makasalanan.
Nawa hindi ganito ang lumalabas sa bibig natin o nasa puso natin, “Bakit ko ba yan iibigin, ang sama naman ng ugali, o lagi naman wala sa prayer meeting, o hindi naman tumutulong sa church…”
[Charles Spurgeon’s preaching on Romans 5:8[1], Love’s Commendation] – “Let us for a moment consider what sort of sinners many of us have been, and then we shall see it was marvellous grace that Christ should die for men—not as penitents— but as sinners. Consider how many of us have been continual sinners. We have not sinned once, nor twice, but ten thousand times. Our life, however upright and moral it has been, is stained by a succession of sins”.
The Loveliness of the Lover …sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay alang-alang sa atin
Note: John did not define love. He showed the supreme example of love as motivation for the believers to love the brethren. If you are asked, “what is love?” What is your answer? If we ask John, “What is love?” He has no other answer but this…
CLARIFICATION: Love is not the cause of obtaining life, but love is the evidence of regeneration/changed life.
- Who loved us? Dito natin nakikilala ang pag-ibig, sapagkat ibinigay Niya–
- Who is Jesus? Jesus Christ our LORD – Ito ay selfless – The Son of God Himself stoop down sent by His Father to live and die for His people.
- He is the Son of God Himself (1 John 5), beloved by the Father (Mt 3), the righteous One (1 Jn 2), the truth, the way, the life (Jn 14), the light (Jn 8), the Word (Jn 1), the Bread of life (Jn 6), the fountain of living water (Jn 4), and He is everything! He is the beloved of God on whom He is well-pleased. He is the Alpha and the Omega. He is the Holy One of God. The list could go on…
- The Love of Christ constrained Paul to die for God’s people. (2 Corinthians 5:14)
- How did He show His love? sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay
- Jesus laid down his life – John’s use of τίθημι is unique to the Gospel of John (10:11, 15, 17, 18; 13:37, 38; 15:13) and 1 John (only here).
- Ito ay voluntary – inihandog niya ang kanyang buhay ng hindi sapilitan
- Ito ay para sa iba – ito ay tumungo sa ating kapakinabangan at sa kanyang kawalan. He laid down His life for our benefit.
- Ang pag-ibig ay kahandaan na gawin ang anumang bagay para sa ibang tao, kahit pa katumbas nito an gating buhay, oras, resources, etc.
- True love is a giving love. The world loves to receive instead of give.
- [Voddie Baucham] Love is an act of the will accompanied by emotion that leads to action on behalf of its object.
- [D. Akin, 1423][2] John 3:16 says that God gave His Son for us. 1 John 3:16 says we should give ourselves for others.
- What did He lay down? sapagkat ibinigay niya ang kanyang buhay
- Ito ay sacrificial – He did not mind the suffering. He did not give anything else but His life! John 15:13 …Walang ibang higit pang dakilang pag-ibig kaysa rito…
- Ang pagbigay ni Hesus ng Kanyang buhay ay hindi mapapantayan ng kahit anong sakripisyo ng tao.
- [1,2,3 John (NICNT) – I. Howard Marshall] Love means saying “No” to one’s own life so that somebody else may live.
- Self-preservation is the first law of physical life, but self-sacrifice is the first law of spiritual life. – Warren Wiersbe
- Parallel ito sa 1 John 2:6 – the life of Jesus (during his earthly ministry) becomes the example for believers to follow. This is also the reason why Christ has to live and demonstrate how it is to truly love (He was not born not only to die)
Point: Kung nais mong makita ang pag-ibig na dapat mong tularan, wag mong tignan ang makasariling pag-ibig ng sanlibutan, kundi tumingin ka sa krus!
Illustration: Love is not this: “tatalon ako sa gitna ng dagat para patunayan ang pag-ibig ko sa iyo.” This is irrational and doesn’t benefit other people. If the person he loves is drowning and he jumped to save her putting his life at risk, then this is love!
But Christ did it! Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang sinasalita kundi isinasagawa. Hindi na natin kailangan bigyan ng kahulugan ang pag-ibig, sapat na ipakita ang sukdulang halimbawa nito!
If you want to see, show, know, and live love, look at the cross! [D. Akin, 1430]
Ang pag-ibig na hinihingi sa atin ng Diyos ay maaaring maging katumbas ng ating buhay. Walang ibang dakilang halimbawa ng pag-ibig sa kapwa liban sa ginawa ni Kristo para sa Kanyang mga tao
Challenge: Anong uri ng pag-ibigang nagpapaikot ng iyong buhay ngayon? Kung ikaw ay Kristiyano, hindi sana ang pag-ibig mo sa iyong sarili, kundi ang pag-ibig ni Kristo. Napapamalas mo ba ito sa iyong kapatiran? Palaguin mo ang iyong pag-ibig sa kapatiran sa pamamagitan ng palagiang pagbubulay-bulay sa ginawa ni Kristo.para sa iyo.
Isipin mo ano ang maibibigay mo, hindi kung ano ang makukuha mo.We are not asked to be an atoning sacrifice for our brethren. But what about our Time? Money? Sympathy? Possession? Sometimes, we think of giving our lives but not of what we can give at the moment of our brother’s need (more on this next time). Remember, it doesn’t have to be big. Just give!
Application:
- Pagsisihan ang kalamigan natin sa Diyos at kapatiran.Ang sukdulang pag-ibig ay matatagpuan kay Kristo, ang pag-ibig na nagpapakasakit at nagbibigay. Siya ay namuhay ng ganap na hindi natin nagawa. Siya ay namatay ng kamatayan na dapat ay sa atin.
- Manahan ka sa pag-ibig ni Kristo araw-araw. Pinasalamatan mo ba Siya ngayong umaga dahil sa kaligtasang iyong tinanggap?
- [Robert Murray McCheyne] Gaano kadalas sa isang araw na hindi natin nakikita ang pag-ibig ni Kristo? Gaano kadalas natin ito hindi napapansin? Minsan ito’y tinatago ng Diyos mula sa atin upang turuan tayo kung ano nga ba tayo… Kung tayo lang ay may espirituwal na paningin upang makita ito. Kung tayo ay namumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos, tayo ay tiyak na mamumuhay ng may kabanalan.
- Paano mo pa iibigin ang kaparitan na makasalanan? Mortify – hindi lang iiwasan, kundi tignan ang tao na may dignidad bilang nilikha ng Diyos, sa kapatiran, bilang tinubos ni Kristo.
Call to Repentance: Namatay si Kristo para sa mga makasalanang tulad mo at tulad ko. Hindi mo kailangang mamatay pa, Hindi mo ba nakikita ang dakilang pag-ibig ni Hesus na dapat magdulot sa iyo na magpatirapa sa harapan Niya? Hindi mo ba nakikita ang tindi ng iyong kasalanan na naging dahilan ng pagkamatay ng Maibiging Hari? Hanggang kailan mo tatanggihan ito?
Nawa’y gawin mo ito ngayon na. Kung hindi mo yayakapin ang pag-ibig ng Diyos na nakay Kristo, ang naghihintay sa iyo ay walang hanggang poot. Hindi mo kailangang magdusa! Lumapit ka kay Hesus at magtiwala sa Kanyang pag-ibig na nagliligtas mula sa poot na darating.
[1] https://www.spurgeon.org/resource-library/sermons/loves-commendation/#flipbook/
[2] Daniel Akin, Christ-centered Exposition, Exalting Jesus in 1,2, &3 John]