Layunin: Upang ipakita ang katuruan ng Bagong Tipan tungkol sa buhay ng kaanib ng iglesya at ipakita ang kahalagahan nito sa tunay na Cristiano (katulad sa Aralin 12)
Panimula: Mag balik-aral sa nakaraang aralin.
Paano ang mga KAANIB ay PINAPANGUNAHAN at PINAPAKAIN sa loob ng IGLESYA?
Isang natatanging pagkakaiba ng Iglesya sa Bagong Tipan at makabagong para-church organization: itinalaga ng Diyos sa loob ng iglesya ang mga Taga-panguna at Tagapangalaga. Sa ganitong layunin ay sila’y tinawag at binigyan Niya ng espirituwal na kaloob upang magampanan ito. Sa ganitong kalagayan, ang mga para-church na samahan ay hindi sapat na kapalit ng isang iglesya na may tipanan (covenant) bilang kaanib.
Basahin: Efeso 4:7-12 (esp. 7-8, 11,12)
Subalit sa bawat isa sa atin ay ibinigay ang biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. Kaya’t sinasabi, “Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, at nagbigay siya ng mga kaloob sa mga tao.” (Nang sabihing, “Umakyat siya,” anong ibig sabihin nito, kundi siya’y bumaba rin sa mas mababang bahagi ng lupa? Ang bumaba ay siya ring umakyat sa kaitaasan ng sangkalangitan upang kanyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.) Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at mga guro; upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo,
Tandaan: Ang mga tagapanguna ng iglesya ay si Cristo mismo ang nagtalaga mula sa Kanyang trono. Ang mga totoong tagapanguna ng Iglesya ay hindi “itinalaga ng tao” sa halip sila’y “pinili at inihanda ng Diyos.”
Ano ang mga Apostol at Propeta?
- Basahin: Efeso 2:20 – Ang kanilang ginawa ay ang pundasyong bahagi ng Iglesya na ngayon ay lumipas na. Kakaibang pribilehiyo na sila’y makatanggap ng tuwirang kapahayagan (direct revelation) mula sa Diyos. (ihambing: Efeso 3:5)
- Hindi na ito ang katayuan ng mga natitirang tagapanguna ng iglesya: Mga Ebangelista-Pastor-Guro.
Ano ang Kahalagahan at Gawain ng Tagapanguna sa iglesya?
(1) NAG-EEBANGHELISMONG TAGAPANGUNA – may malasakit sa mga kaluluwang di pa nakakaranas ng kaligtasan.
Kasamang Responsibilidad:
(a) Siya’y nagpapahayag ng Ebanghelyo
(b) Tinutulungan ang mga Cristiano na maging saksi rin sa Ebanghelyo
(2) NANGANGALAGA (pastoring) at NAGTUTURONG TAGAPANGUNA – sinasanay ang mga kaanib sa paglilingkod at tinutulungan sa kanilang espirituwal na pangangailangan.
Basahin: Hebreo 13:7, 17 (ihambing: 1 Tesalonica 5:12,13)
Alalahanin ninyo ang mga namumuno sa inyo, silang nagsalita sa inyo ng salita ng Diyos; tingnan ninyo ang kinalabasan ng kanilang pamumuhay, tularan ninyo ang kanilang pananampalataya.
Hebrews 13:7 ABAB
Sumunod kayo at pasakop sa mga namumuno sa inyo, sapagkat sila’y matamang nagbabantay alang-alang sa inyong mga kaluluwa bilang mga mananagot. Hayaang gampanan nila ito na may kagalakan at hindi nang may hapis, sapagkat kung ganito’y hindi ito magiging kapaki-pakinabang sa inyo.
Hebrews 13:17 ABAB
Itanong: Kinikilala mo ba na kailangan mo ng ganitong uri ng tagapanguna? Nararanasan mo ba ito sa samahang iyong kinabibilangan ngayon?
PAANO NAPAPANATILI ANG TIPANAN SA LOOB NG IGLESYA?
Tagapanguna: Sabihin ito sa paraang hindi nakakatakot o nakapang iinsulto.
Dahil ang Cristiano ay pa-tuloy pa ring nakikipag-laban sa kasalanan, dinisenyo ng Diyos ang Iglesya para sa pagpa-palakasan (edification), pagtutuwid (correction), at kung kinakailangan ay ang pagtitiwalag ng kaanib (dismissal).
Doktrina: Iglesyang may DISIPLINA (Disciplined Church)
Basahin: Roma 15:14
At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo, mga kapatid ko, na kayo man ay punung-puno ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na may kakayahang magturo sa isa’t isa.
Punto: Magpaalalahanan at magtuwid ng pagkakamali ay responsibilidad ng bawat kaanib ng Iglesya sa isa’t-isa. Ito ay pagpapala, hindi dapat katakutan.
Basahin: Mateo 18:15-20
Tandaan: May tamang paraan at proseso sa nagkakasalang kapatiran:
Pansarilinang pakikipagkasundo (tl. 15) => may gabay na pakikipagharap (tl. 16) => pangkalahatan o sa harap ng Iglesya (tl. 17).
Punto: Ang langit mismo ay may pahintulot (tl. 18-20) sa pagpapatupad ng Disiplina sa loob ng Iglesya. Maraming iglesya ngayon ang hindi nagsasagawa ng disiplina sa loob ng iglesya.
Itanong: Matatanggap mo ba na sa loob ng Iglesya, ang iyong moralidad at espirituwal na buhay ay nasa ilalim ng pangangalaga din ng Iglesya? O mas nanaisin mong mamuhay na parang walang pakialaman sa loob ng isang samahan?
Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa matapat na pagtutuwid? Kawikaan 27:6, 7
Hamon: Mag-isip ng iba pang bagay na ginagawa ang pagtutuwid sa kapatid ng may pagmamalasakit.
Sa Diyos lamang ang Kapurihan!
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.