Ang Di-Makasariling Pag-ibig sa Kapatiran 2

Sermon Text: 1 John 3:13-15

Mga kapatid, huwag kayong magtaka, kung kayo’y kinapopootan ng sanlibutan. Nalalaman nating tayo’y dumaan na mula sa kamatayan patungo sa buhay, sapagkat iniibig natin ang isa’t isa. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan. Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay tao, at nalalaman ninyong ang buhay na walang hanggan ay hindi nananatili sa sinumang mamamatay tao.

Message: Ang pag-ibig sa kapatiran ay bunga ng mabiyayang gawa ng Diyos na di matatagpuan sa mundong makasalanan. (Love for the brethren is a result of God’s gracious work which cannot be found in sinful world.)  

Bakit natin dapat ibigin ang kapatiran?

Ang pagibig sa kapatiran ay wala sa mundong makasalanan – Love for the brethren is not of the world v. 13

Note: Ang “world” ay tumutukoy sa masamang sanlibutan na laban sa Ama (2:15) na hindi natin dapat ibigin.

  1. Ang pag-ibig ng mundo ay huwag natin asamin
    • Ang pagkamuhi ng mundo sa mga tao ng Diyos ay totoo simula pa nung una (enmity between two seeds) – Cain and Abel (Review: last week’s sermon: first crime after the fall. It was done against a brother.)
    • Ginawa ni Abel ang tama, siya ay kinamuhian ni Cain (John 16:2-3) … sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang naghahandog siya ng paglilingkod sa Diyos.
  2. Ang pagkamuhi ng mundo ay dapat natin asahan
    • “Huwag kayong magtaka”
    • Sinabi din ito ni Hesus na tiyak na tayo ay kakamuhian ng mundo – John 15:18-20 – if the world hated me, it will hate you. The servant is not greater than his master.
    • [Reformed Expository Commentary] The more suffering, the more sanctification; the more animosity, the more assurance.
    • We live in a world where everybody wants to be loved by men. It is contrary to the Christian faith.
    • Hindi tayo namumuhay sa mundong ito upang ibigin nila.
    • If the love for the brethren is not of this world, ano ang expectation sa mga tao ng Diyos? Tayo pa ba ang hindi magkikibuan? Hindi magpapansinan? Mag-iimpok ng galit sa isa’t isa?
    • Ito ang nakitang problema ni Pablo sa mga Taga-Corinto, nang sila ay naghahain ng reklamo sa kapatid sa korte. 1 Cor 6:5-8. Ibinalik ni Pablo sa kanila ng ang ganung pag-uugali ay sa mundo at sa mga hindi magmamana ng kaharian ng Diyos (6-9). Sila’y pinatawag, at pinagiging-banal na.
    • Kung si Juan siguro ang sumulat nito, marahil sinabi niya na “bakit hindi niyo magawang ibigin ang kapatiran?”

Point: Sa paglakad natin sa pag-ibig at katotohanan, huwag nating asahan na tayo ay iibigin ng mundo.

Challenge: Huwag mong hangarin ang pag-ibig ng mundo, hanapin mo ito sa Diyos at ibigay mo para sa Kanya at sa iyong kapatiran.

Ang pag-ibig sa kapatiran ay bunga ng gawa ng Diyos lamang v.14

Nalalaman nating tayo’y dumaan na mula sa kamatayan patungo sa buhay, sapagkat iniibig natin ang isa’t isa. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan

Note: Passed from death unto life – Ito ang karanasan ng bawat isang Kristyano – iniaahon tayo mula sa kamatayan tungo sa buhay. [NET Study Notes] Here it is used figuratively to refer to the believer’s transfer from the state of (spiritual) death to the state of (spiritual) life. 

CLARIFICATION: Love is not the cause of obtaining life, but love is the evidence of regeneration/changed life.

  1. Ang pagibig sa kapatiran ay patunay ng binagong buhay
    • “sapagkat” – ito ay nagbibigay ng paliwanag kung paano malalaman ng mga mambabasa na sila nga ay tunay na “dumaan na mula sa kamatayan tungo sa buhay.”
    • ito ang larawan ng mga nanampalataya sa Panginoon Hesus at may buhay na walang hanggan. John 5:24 (Context: Jesus is able to raise to life whoever He wills – united with the work of the Father).
    • Love for the brethren is a result of God’s gracious work v. 14 (4:19 – We love [the brethren] because He first loved us.
    • We love because God did something new in us.
    • John 13:35 – ang tunay na alagad ni Hesus ay may pag-ibig sa isa’t isa.
  2. Ang kawalan ng pag-ibig ay pananatili sa kamatayan
    • Parallel warning ang 14b at 15 hindi umiibig = napopoot, nananatili sa kamatayan = ay isang mamamatay tao
    •  Ang manatili sa kamatayan ay maging mamamatay tao. Ang pagiging mamamatay tao ay ebidensya ng kawalan ng buhay na walang hanggan. Not to love the brethren is to hate them. To hate them is to abide in death. To abide in death is to be a murderer. To be a murderer is to have no eternal life within.
    • Eternal life ay hindi lamang walang katapusan buhay or mamumuhay ka ng matagal kundi ay ang makamtam si Hesus na Siyang buhay na walang hanggan (John 5:11)
    • kung hindi mo iniibig ang iyong kapatid, wala kang buhay. Ikaw ay hindi tunay na Kristiyano. Its absence is incompatible with the Christian profession. If you do not love your brother, you hate him.
    • Likas na walang pag-ibig sa kapwa ang mga wala sa Diyos – spiritually dead.
    • Sa oras na tayo’y iligtas ng Diyos mula sa kamatayan, hindi lamang utak ang binabago niya kundi maging ang ating puso at buong pagkatao.

Point: Ang ating bagong buhay ay buhat sa pag-ibig at biyaya ng Diyos sa atin na nakay Hesu-Kristo at ito’y tutungo sa pagmamahal sa kapatiran.

Challenge: Umasa lamang tayo sa biyaya ng Diyos at asahan natin ang biyaya ng Diyos (enabling grace) sa pagpapakita ng pag-ibig para sa kapatiran.

There will be lots of times when we will fail to love our brethren, to care for them, to reach them out when they are in need, but is it our heart’s desire to show our love for them?  Ilang beses na ba tayong naging “cold” sa ating kapatiran dahil sa ating pansariling kapakanan.

Application:

  • Dahil hindi maibibigay ng mundo ang pag-ibig na ito, unahin natin ang mga kapatiran (Galatians 6:10).
  • Manguna ka sa paglilingkod sa kapatiran. Huwag mong hintayin na pakitaan ka ng pagmamahal ng kapatiran, manguna ka dito. Model ni Hesus: Divine initiative to save us.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: