Layunin: Upang ipaliwanag ang susi sa pagsukat ng tunay na may kaligtasan, at bigyang babala ang pagkukunwari sa sarili.
Panimula: Itanong – sa palagay mo ba’y maaring maniwala ang isang tao na siya’y ligtas na, ngunit hindi pa pala siya talagang ligtas?
Tagapanguna: Ipaliwanag ang tanong kung kinakailangan. Kung ang sagot ng nakikinig ay pagsang-ayon, hilingin kung mayroon siyang alam na tanda ng pagkakaiba ng totoo at di totoong Cristiano.
Iwasang gawing halimbawa ang tagapakinig. Kung may karanasan o kakilala ka na ganoon, na may maling pagpapakita ng pananampalataya noon, sabihin ito sa tagapakinig.
Basahin: Juan 2:23-25
Nang siya ay nasa Jerusalem nang kapistahan ng Paskuwa, marami ang sumampalataya sa kanyang pangalan, nang kanilang makita ang mga ginawa niyang tanda. Subalit hindi ipinagkatiwala ni Jesus ang kanyang sarili sa kanila sapagkat kilala niya ang lahat ng mga tao, at hindi niya kailangan ang sinuman upang magpatotoo tungkol sa tao, sapagkat alam niya ang isinasaloob ng tao.
- Tandaan: May mga tao na nagpapakita ng pananalig kay Jesus dahil sa mga himalang nasaksihan nila. Pero alam Niya na huwad ang pananampalataya nila.
- Problema: Pansariling palagay laban sa kaalaman ni Jesus – Ang tao’y di dapat magtiwala sa kanyang sarili lamang. Ang iyo bang pansariling pananampalataya ay makakapasa sa kaalaman ni Jesus?
- Punto: Maaring magpakita ng “kilos ng pagtitiwala” (‘faith-act’) ang isang tao ng wala naman totoong pagtugon kay Jesus (Aralin 9-Pagsisisi at Pagtitiwala).
- Mga halimbawa sa ating panahon:
- Pagsunod sa “panalangin ng pagtanggap” na hindi mula sa puso
- Paglapit sa unahan / altar bunga ng paanyaya
- Pagpunta sa simbahan, etc.
- Mga halimbawa sa ating panahon:
- Hamon: Kung ang ganoong pandaraya sa sarili ay maaari maging sa mga tao na nakarinig at mas malapit sa Ebanghelyo ni Cristo Jesus, mahalagang tiyakin kung ano ang pananampalatayang nasa iyo.
SIGURADUHING: Ikaw ay mayroong…
TUNAY na JESUS na INIAALOK ng Ebanghelyo
Sa Juan 2:23-25, nakita lang ng mga tao si Jesus bilang gumagawa ng himala. Hindi ito sapat para makilala mo Siya bilang Panginoon at Tagapagligtas.
Babala: Sa panahon natin, sobra ang palagay na ang himala ay katunayan ng pagkilos ng Diyos. Ngunit na-kita natin sa mga talata na ang paniniwala ng mga tao dahil sa himala ay hindi sapat para sila’y maligtas.
Ang NAKAPAGLILIGTAS na Tugon Kay Cristo
Upang mabigyang diin ito, ang sumunod na pangya-yari na isinulat ni Juan ay ang paglapit ni Nicodemo kay Jesus. Ang pakikipag-usap ni Jesus kay Nicodemo ay nagpapakita ng magandang pagsusuri ng katiyakan ng sinumang nagpapalagay na siya’y relihiyoso.
- Isang taong kailangang itama ang kanyang pagkakilala kay Cristo
- Ang pagkaunawang ito ang magsasabi o pagbabatayan ng katiyakan ng kanyang espirituwal na kalagayan
Basahin: Juan 3:1-7
May isang lalaking kabilang sa mga Fariseo na ang pangalan ay Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio. Siya ay pumunta kay Jesus nang gabi na, at sinabi sa kanya, “Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na mula sa Diyos; sapagkat walang makakagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, malibang kasama niya ang Diyos.” Sumagot sa kanya si Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ‘Malibang ang isang tao’y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.'” Sinabi sa kanya ni Nicodemo, “Paanong maipapanganak ang isang tao kung siya’y matanda na? Makakapasok ba siyang muli sa tiyan ng kanyang ina, at ipanganak?” Sumagot si Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, malibang ang isang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang ipinanganak ng laman ay laman at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu. Huwag kang magtaka na aking sinabi sa iyo, ‘Kailangang kayo’y ipanganak na muli.’
- Tandaan: Sa tl. 2, paano kinilala ni Nicodemo si Jesus?
- Bilang gurong mula sa Diyos at gumagawa ng himala—si Nicodemo ay lumapit kay Jesus bilang nangangailangan ng katuruan at himala
- Tanong: Ito ba ay sapat?
- Hindi ito sapat, dahil sinabi ni Jesus sa kanya ang tunay niyang kailangan
- Tanong: Ito ba ay nangyayari ngayon?
- Pansinin ang pagbibigay diin ngayon sa mga himalang nangyayari.
- Tandaan: Sa tl. 3 at sumusunod, ipinakilala ni Cristo ang Kaharian ng Diyos
- Konteksto: Si Jesus ay HARI at may mga SINASABI bilang HARI – samakatuwid, kailangan mong lumapit kay Jesus bilang tagasunod sa Kanyang kapangyarihan.
- Kailangan: Masusunod mo lang ito kung ikaw ay may “bagong puso”
- Ito ang kahulugan ng kapanganakang muli (‘born again’). Ang pagkakaloob ng bagong buhay na wala dati sa atin.
- “Ipinanganak sa Espiritu” → Tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makapagbibigay sa iyo ng bagong buhay.
- “Ang ipinanganak ng laman ay laman” → walang pag-asa sa iyong sarili (sa katayuan mo bilang makasa-lanan)
- Babala: May mga “kilos ng pagtitiwala” na napatunayang makalaman lang.
- → Ang katunayan ng makalamang pananalig / pagtitiwala (fleshly faith)…
- Walang sukdulang pagkilala sa buhay ng pagiging Panginoon ni Cristo
- Walang espirituwal na pagbabago sa puso / buhay
- Itanong: Alam mo ba ang ganitong espirituwal na pagbabago sa iyong buhay na nagmumula sa iyong bagong pagkakilala kay Jesu-Cristo?
- Buod: Tiyakin na ang iyong paglapit kay Cristo ay bilang Panginoon ng buong buhay mo. Ngunit kasama ang pagkaunawa na wala kang pag-asa sa sarili dahil kailangan mo muna ng BAGONG PUSO na tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makapagkakaloob nito.
Sa Diyos lamang ang Kapurihan!
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.