Aralin 10: Mga Pagpapala ng Kaligtasan

Layunin: Upang ipakita sa tagapakinig ang masaganang pagpapala ng pagiging Cristiano na nagmumula sa bagong relasyon kay Cristo.

Panimula: Kapag ang mga tao ay nagsasabing sila’y pinagpapala ng Diyos, ano ang karaniwang nasa isip nila?

Tagapanguna: Mag-bigay ng halimbawa sa bawat isa.

Materyal at pisikal na pagpapala
(1) Mga himalang nararanasan
(2) Katiyakang emosyon at pakiramdam
(3) Tagumpay sa trabaho o hanap buhay
Itanong: Mayroon pa bang mas mahalaga sa mga nabanggit?

Basahin: Efeso 1:3

Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan

Ang pangunahing pagpapala kay Cristo ay “espirituwal.”

  • Tandaan: Kung masusing pag-aaralan ang mga pagpapalang espirituwal sa mga sumusunod na talata (1:3-14), walang nabanggit sa anumang apat na uri ng pagpapala na ating nabanggit sa kanina.
    • KUNG KAYÁ: Kung ang isang tao ay lalapit kay Cristo ng dahil sa mga iyon, hindi niya alam ang tunay at mahalagang iniaalok ni Cristo.

Pagturing ng Diyos Bilang Kanyang Mga Anak (Adoption)
Basahin: Efeso 1:4, 5

Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kanya bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo’y maging banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig. Tayo’y itinalaga sa pagkukupkop upang maging kanyang mga anak sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kabutihan ng kanyang kalooban,

  • Bagong kaugnayan sa Diyos bilang Ama
    • NOON, bilang hindi mananampalataya: “Kinapopootan ng Diyos” [Children of wrath] (Ef 2:1-3), ang ating kaugnayan sa Diyos ay nasa ilalim ng Kanayang poot.
    • NGAYON, bilang mananampalataya ni Cristo: Itinuturing na ng Diyos na minamahal [beloved]
  • Ang bagong relasyon ay nagdudulot ng bagong pananaw sa Diyos at bagong paraan ng pamumuhay.
    • Ano ang dapat na pinahahalagahang higit ng isang anak ng Diyos? “maging banal at walang kapintasan sa harap Niya.”
    • Ang Diyos ay naging Ama ng mananam-palataya, hindi para sa pansariling nais, sa halip ay bilang anak na sumasalamin (reflect) ng katangian ng Diyos sa kanyang bagong buhay.
  • Hamon: Ito ang natatanging tanda na dapat makita bilang katunayan ng iyong ipinapahayag na Cristianong pananampalataya.

Ang Pagtanggap Sa Atin Ng Diyos At Pagpa-patawad Ng Mga Kasalanan
Basahin: Efeso 1:6, 7

para sa ikapupuri ng kanyang maluwalhating biyaya, na ipinagkaloob niya ng walang bayad sa atin sa pamamagitan ng Minamahal. Sa kanya’y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya,

Ano ang tulad ng taong nakikitungo sa Diyos ngunit hindi pa napapatawad ang kasalanan?
Basahin: Kawikaan 15:8

Ang handog ng masama, sa PANGINOON ay kasuklamsuklam, ngunit ang dalangin ng matuwid ay kanyang kaluguran.

  • Kahit na ang relihiyosong gawain ang ginagawa ng hindi pa napapatawad sa kasalanan, ito ay itinuturing pa rin ng Diyos na “kasuklam-suklam” – nasa ilalim ng sumpa.
    • KUNG KAYÁ: Ang kapatawaran ng kasalanan ay pangunahing pagpapala. Hindi ka makagagawa ng “katanggap-tanggap” na gawain sa pag-asang mapapatawad ka sa pamamagitan nito; Kundi, kailangan ka munang mapatawad upang ang iyong sarili at mga gawain ay maging katanggap-tanggap sa Diyos.
  • PAANO: Sa pamamagitan ng pagtubos ni Cristo ng Kanyang dugo. Ilagak [itiwala] ang sarili kay Cristo sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran.
  • TANDAAN: Ito’y sa pamamagitan lamang ng “Kanyang minamahal na Anak” kaya ang Cristiano ay tinanggap ng Diyos [kinalinga].
    • KUNG KAYÁ: Ang tunay na pinatawad na ay nanana-tiling walang pagtitiwala sa sariling kakayahan, kundi laging nakatuon kay Cristo.

Basahin: Efeso 2:12-13, 17-18

na nang panahong iyon, kayo ay walang Cristo, hiwalay sa pagiging mamamayan ng Israel, at mga dayuhan sa mga tipan ng pangako, walang pag-asa at walang Diyos sa sanlibutan. Subalit ngayon ay na kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay malayo, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo.

Ephesians 2:12-13 ABAB

At siya’y dumating at ipinangaral ang kapayapaan sa inyo na malalayo, at kapayapaan sa mga malalapit. Sapagkat sa pamamagitan niya, kapwa tayong makakalapit sa isang Espiritu patungo sa Ama.

Ephesians 2:17-18 ABAB

Pag-isipan: Anong mga pagpapala / pribilehiyo ang kasama sa pagiging malapit sa Diyos at pagkakaroon ng kaugnayan sa Kanya?
Halimbawa: Bagong pananaw; pribilehiyo sa pananalangin; etc.


Ang Banal Na Espitiru Ang Garantiya ng Lahat ng Mga Pangako ng Diyos
Basahin: Efeso 1:13, 14

Sa kanya’y kayo rin naman, na nakarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo. Siya ang katibayan ng ating mana, hanggang sa ikatutubos ng pag-aari, sa ikapupuri ng kanyang kaluwalhatian.

  • ►Ang gawain ng Banal na Espiritu ay bigyan tayong katiyakan at ilapat sa atin ang mga espirituwal na pangako ng Diyos.
    • KUNG KAYÁ: Ang Cristiano ay may katiyakan ngayon na tatanggapin niya ang buong katubusan kay Cristo—ang hinaharap na kaluwalhatian.
  • ILAPAT: Ang buhay pananambapalataya ay inuudyukan ng kanyang pag-asa kay Cristo at ang paglalapat ngayon ng mga pangako ng Diyos => Pagsunod sa Diyos. Ito ang tunay na katibayan ng taong espirituwal (taong pinanahanan ng Espiritu ng Diyos).

Pangwakas na Kaisipan: Anong pagpapala ng Diyos kay Cristo ang talagang ninanais ko? Mayroon ba akong katiyakan ng espirituwal na pagpapala ng kaligtasan?

Sa Diyos lamang ang Kapurihan!


  • Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
  • Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: