Layunin: Upang hamuning tumugon ang tagapakinig sa iniaalok ni Jesus na kaligtasan sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya.
Panimula: Kung walang kaligtasan maliban kay Cristo, napakahalaga na malaman natin kung paano magkakaroon ng relasyong makapagliligtas sa kanya
Itanong: Hingin ang palagay / opinyon sa kaisipang ikaw ay magiging Cristiano sa pamamagitan ng:
Tagapanguna: Maging handa sa iba pang kaisipan na maaaring ibahagi ng mga nakikinig.
(1) Bautismo (binyag), o kahit na anong sakramento sa simbahan.
(2) Pagiging kaanib (miyembro) ng simbahan.
(3) Sa paggawa ng mabuti at matuwid.
Problema sa lahat ng makataong kaisipan ng pagkakaroon ng kaligtasan: Hindi nila maisaalang-alang ang kalagayan natin bilang makasalanan na nahatulan na. Ang taong nasa ilalim ng kaparusahan (nahatulan na) ay hindi na maaaring umasa pa sa personal na kakayahan para baligtarin (overturn) ang hatol.
Basahin: Roma 3:19, 20
Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay “walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,” sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
Biblikal na Katuruan: Ang Diyos mismo ay dapat magsi-mulang kumilos sa atin – isang panloob na pagbabago – upang tayo’y makatugon sa Kanyang iniaalok na kaligtasan. Ang panloob na pagbabagong ito ay tinatawag na kapanganakang muli (“regeneration” or “being born again”). Ito’y pagkilos ng Diyos, hindi sa ating sariling lakas o kagagawan.
Kapag ang Diyos ang tunay na kumilos sa atin, ito’y magdudulot sa nakapagliligtas sa katugunan sa Ebanghelyo…
Nakapagliligtas Na Katugunan Sa Ebanghelyo
Basahin: Gawa 20:20-21
Hindi ko ipinagkait na ipahayag sa inyo ang anumang bagay na kapaki-pakinabang, at hayag na nagtuturo sa inyo, at sa mga bahay-bahay, na nagpapatotoo sa mga Judio at gayundin sa mga Griyego tungkol sa pagsisisi tungo sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
Isang katugunan na may dalawang mukha (coin) – ang isa ay tungkol sa ating nagawang kasalanan sa Diyos; ang kabila ay ang alok na habag na nakay Jesu-Cristo.
A) Pagsisisi sa kasalanan
Ito ay hindi:
- …Pagpaparusa sa sarili
- …lang simpleng pagkalungkot sa kasalanan
Basahin: Isaias 55:7
Lisanin ng masama ang kanyang lakad, at ng liko ang kanyang mga pag-iisip; at manumbalik siya sa PANGINOON, at kanyang kaaawaan siya; at sa aming Diyos, sapagkat siya’y magpapatawad ng sagana.
Tagapanguna: Kung malalim na ang tiwala ng nakikinig, maari mong itanong kung siya / siia ay may kasala-nan siya na maaring pag-usapan.
Susing Kaisipan:
- “talikdan ang gawaing masama” => ito’y pagtalikod ng puso mula sa kasalanan; paghahayag ng pakikidigma sa kasalanan.
- “magbago ng maling kaisipan” => panloob na pagbabago ng puso sa kasalanan, na nagreresulta sa pagbabago ng pamumuhay (“life-style or pattern”).
- Babalá: Ang ibang tao ay nauunawaan ang iniaalok ng Ebanghelyo, ngunit nananatiling walang kaligtasan dahil kusang-loob nilang pinili na maging alipin pa rin ng kasalanan.
B) Pananampalataya kay Cristo
Ito ay hindi lang:
- …simpleng pagsang-ayon sa mga katotohanan ng Ebanghelyo
- …simpleng pag-angkin sa mga pangako ng Biblia
Basahin: Roma 10:9-13
Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa mga patay, ay maliligtas ka. Sapagkat sa puso ang tao’y nananampalataya kaya’t itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya’t naliligtas. Sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang bawat sumasampalataya sa kanya ay hindi malalagay sa kahihiyan.” Sapagkat walang pagkakaiba sa Judio at Griyego; sapagkat ang Panginoon ay siya ring Panginoon ng lahat, at siya’y mapagbigay sa lahat ng tumatawag sa kanya. Sapagkat, “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”
Susing kaisipan: Si Jesus ay Panginoon, inaangkin ang iyong pagtitiwala at pagpapasakop.
Tagapanguna: Ipakita na ang katugunang ito ay tunay na makapagdudulot ng pagbabago sa buhay.
- Pagtitiwala kay Jesus na Tanging makapagliligtas sa iyo
- Ang binibigyang diin ay ang kamatayan ni Cristo para sa mga makasalanan.
- Pagpapasakop sa Kanya bilang Panginoon ng iyong buhay
- Ang binibigyang diin ay ang awtoridad ni Cristo sa Kanyang salita.
Itanong: May mahalaga bang pagkakaiba sa iyong pag-kaunawa noon at ngayon ang tungkol sa pagsisisi at pananampalataya kay Cristo?
Tagapanguna: Bigyang diin ang alinman (pananam-palataya o pagsisisi) na kailangang maunawaang husto ng nakikinig.
Panghuling Paalala: Ang pagsisisi mula sa kasalanan at pana-nampalataya kay Cristo ay laging magkasama. Napakalaking kamalian na angkinin lang ang isa at wala ang isa.
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.