Layunin: Upang ipaliwanag ang kahalagahang dulot ng kamatayan ni Cristo.
Panimula: Ang krus ay naging pangunahing simbulo ng pananampalatayang Cristianismo….
- Positibo: Ipinapakita nito ang ginawang pagliligtas ni Cristo—ang Kanyang kamatayan para sa mga makasalanan.
- Negatibo: Minsan ay may pagkakataon na ito’y nagiging pigura na lamang na dapat sana’y nasa isip at pananampalataya.
- Itanong: Pinagtitiwalaan mo ba na tanging sa kamatayan lamang ni Cristo tayo makatitiyak ng kaligtasan?
Mga Maling Kaisipan Tungkol Sa Kamatayan Ni Cristo
Tagapanguna: Maging handa sa iba pang kaisipan na maaaring ibahagi ng mga nakikinig.
- Ito ay isang kamatayan ng pagiging martir – pagsasakripisyo ng sarili dahil sa ipinaglalaban.
Sagot: Ang ganitong uri ng kamatayan ay nagiging bayani lamang ang namatay, at hindi bilang Tagapagligtas ng makasalanan. Hindi ganito ang itinuturo ng Bagong Tipan tungkol sa kamatayan ni Cristo.
Mali: Ang isipin na ang kamatayan ni Cristo ay isang modelo na dapat tularan. (Hal. Sa pagiging martir; pagpipinitensiya lamang) - Ang layunin ay upang makapagpabago ng ugali – halimbawa, upang mapalambot ang puso ng iba ay nagpapagutom (hunger strike) para kaawaan.
Sagot: Ang Bagong Tipan ay ipinakita na ang kamatayan ni Cristo, una sa lahat, ay ginawa ito para sa Diyos Ama, bago pa man sa katiyakan ng mga makasalanan.
Mali: Ang isipin na ang kamatayan ni Cristo ay isang inspirasyon lamang at para Siya ay kaawaan.
Ang Biblikal na Kahalagahan ng Kamatayan ni Jesu-Cristo
Basahin: Mt. 26: 27-29
At kumuha siya ng isang saro at nang makapagpasalamat ay ibinigay sa kanila, na nagsasabi, “Uminom kayong lahat nito, sapagkat ito ang aking dugo ng tipan,” na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. At sinasabi ko sa inyo, mula ngayon ay hindi na ako iinom ng katas ng ubas na ito hanggang sa araw na iyon na iinumin kong panibago na kasalo kayo sa kaharian ng aking Ama.”
- Konteksto: Ang pagtatatag ng Banal na Hapunan ay pagpapakita ng pag-alaala ng iglesya sa kahulugan ng kamatayan ni Cristo.
- Punto: Si Jesus mismo ay nagsabi na ang Kanyang kamatayan ay isang hain na nagdudulot ng kapatawaran ng kasalanan at paglilinis ng Kanyang bayan (o mga taong pinili).
- Katuruan sa Matandang Tipan: Ang biktima ang pinagbubuhusan ng poot ng Diyos kapalit ng naghahain (Ihambing: Lev. 17:5, 6, 11; Isa. 53:10)
- Implikasyon: Nang si Jesus ay nasa krus, ibinuhos ng Diyos mismo ang Kanyang poot kay Jesus, sa halip na sa makasalanan.
Basahin: 2 Corinto 5:20,21
Kaya’t kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa pamamagitan namin. Kami’y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa Diyos. Para sa ating kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng kasalanan, upang sa kanya tayo’y maging katuwiran ng Diyos.
Konteksto: Si Pablo ay ipinapaliwanag ang susing mensahe ng mga nagpapahayag ng pakikipagkasundo sa Diyos at ng mga makasalanan.
- Punto: Ang kamatayan ni Cristo ay bilang kapalit ng makasalanan.
- Pinasan ni Cristo sa Kanyang sarili ang parusa mula sa Diyos para sa mga makasalanan. Tulad ng ganap na pagsunod Niya sa kautusang hindi natupad ng mga makasalanan.
- Ito’y nilulutas ang dalawang problema ng makasalanan sa harap ng Diyos:
- Una, Ang paghingi nito ng ganap (perpekto) na pagsunod
- Ika-2, Ang paghingi ng kabayaran ng kasalanan sa mga lumabag dito
Basahin: 1 Peter 2:20, 21
Sapagkat anong pakinabang nga, na kapag kayo’y nagkakasala at hinahampas dahil dito, ay inyong tinatanggap na may pagtitiis? Ngunit kung kayo’y gumagawa ng mabuti at kayo’y nagdurusa dahil dito at inyong tinatanggap na may pagtitiis, ito’y kalugud-lugod sa Diyos. Sapagkat ukol dito kayo’y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak.
- Konteksto: Ang sulat na ito ni Pedro ay para sa mga naghihirap na mananampalataya.
- Punto: Ang krus ni Cristo ay paalala na dapat tandaan sa buhay Cristiano: pagpapakumbaba, lalo na sa panahon ng paghihirap.
- Itanong: Ito ba ang uri ng buhay na nakikita mo sa mga nagsasabing sila’y mga Cristiano? Hindi ganoon. Dahil maraming nagsasabi na Cristiano sila ngunit walang tunay na karanasan ng pananampalataya sa krus ni Cristo.
Pangwakas na Kaisipan: Kung wala ang kamatayan ni Cristo na nagdudulot ng kaligtasan, ang makasalanan ay mananatili sa poot ng Diyos, at sila’y nananatili sa kalagayang walang pag-asa. Nakikita mo ba ang iyong sarili na kailangang mamatay si Cristo para sa iyo?
Sa Diyos lamang ang Kapurihan.
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.