Layunin: Upang ipakilala si Jesus bilang kalutasan sa Problema ng kasalanan
Panimula: Ano ang pinaka kakaibang pagkakilala mo kay Jesu-Cristo? Kung ituturing mo Siyang natatangi, sa paanong paraan Siya natatangi?
Tagapanguna: Kahit na ang lahat ng ito ay tama, ang mga ito ay kulang. Ang tunay na nais natin ay ang kaalamang nagdudulot ng kaligtasan.
Karaniwang Kaisipan:
- Siya ay dakilang halimba ng magandang pamumuhay
- Pinaka dakilang Guro na nabuhay
- Nagtatag ng pinaka dakilang relihiyon
Ang Kapanganakan ni Jesu-Cristo
Basahin: Lucas 1:35
At sumagot ang anghel sa kanya, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t ang batang banal ay tatawaging Anak ng Diyos.
Tagapanguna: Ito’y mahalagang maunawaan para sa hinaharap na pag-aaral tungkol sa pagiging kapalit natin sa krus, sa kamatayan ni Cristo.
Ang Kanyang kapanganakan ay di pangkaraniwan dahil Siya’y isinilang ng isang birhen.
Itanong: Sa palagay mo ba’y may kapaliwanagan ang pangyayaring ito, o tinatanggap mo ito bilang pagkilos ng Diyos?
Ano Ang Mga Ibig Ipahiwatig ng Kapanganakan ng Birhen kay Jesus?
(a) Dahil sa kapanganakang ito, katulad Siya sa tunay na kalikasan natin bilang tao
(b) Bilang ipinanganak ng birhen, hindi naman Siya katulad ng sinumang tao… hindi Siya kabahagi sa kasalanan ng tao.
Basahin: (Ang dalawang katotohanan ay makikita)
Hebreo 4:15
Sapagkat tayo’y mayroong isang Pinakapunong Pari na marunong makiramay sa ating mga kahinaan, isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayunma’y walang kasalanan.
- Itanong: Kung tatanggapin mo ang sinasabing ito ng Biblia na katangiang kakaiba ni Cristo, magbabago / titibay ba ang iyong pananaw sa ngayon?
- Tandaan: Ang pagiging iba ni Jesus ay naka-salalay mismo sa Kanya na isinilang-ng-birhen (Si Jesus), at hindi sa birhen na nanganak sa Kanya (Maria).
- Itanong: Tinatanggap mo ba ito?
- Bakit kaya itinaas ng husto si Maria sa ngayon?
Ang Kalikasan at MISYON ni Jesu-Cristo
Basahin: Juan 1:1, Filipos 2:5-11
Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
John 1:1
Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Cristo Jesus din naman, na siya, bagama’t nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao. At palibhasa’y natagpuan sa anyo ng tao, siya’y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos, at siya’y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan; upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang bawat tuhod, sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa, at ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
Philippians 2:5-11 ABAB
Itanong: Tinatanggap mo ba ang mga sinasabi ng mga talatang ito?
Taglay ni Jesus ang lahat ng katangian ng Diyos, kung kaya, Siya ay Diyos.
“Katangian ng Diyos…” = nasa Kanya ang lahat ng kalikasan bilang Diyos
Itanong: Ito ba’y katanggap-tanggap sa iyo? Bakit mo ito tinatanggap / hindi tinatanggap?
Tagapanguna: Dapat kang maging handa ang na ipagtanggol ang pagiging Diyos ni Cristo kung kinakailangan.
* Nagpakumbaba Siya para Iligtas ang mga makasalanan.
Sa Pagpapakababa Ni Cristo ay Kasama Ang Pagiging Tao Upang…
- Siya mismo ay makasunod ng ganap sa Kautusan ng Diyos.
- Tingnan – “namuhay sa ilalim ng Kautusan…” Gal. 4:4
- Upang pasanin ang parusa ng Kautusan
- Tingnan – “naging masunurin hanggang kamatayan” Fil. 2:8
Itanong: Bakit sa palagay mo kailangan pang magpakababa ng Anak ng Diyos para tayo iligtas? (Ito ang naghahanda sa susunod na aralin).
Pag-isipan: Ang Plano ng Diyos sa Kaligtasan ay kakaiba…
=> Sumasang-ayon ka ba na maliban kay Jesus ay walang kaligtasan?
=> May hinahanap / inaasahan ka pa bang ibang kaligtasan maliban kay Cristo?
Mga Patibay na Talata: Ang Pagka Diyos ni Cristo
- Tuwirang tinawag na Diyos – Jn 20:28; Rom 9:5; Tito 2:13; Heb 1:8; 1Jn 5:20
- Katangian ng Diyos – Mt. 18:20; 28:20; Ef 1:23; Col 3:2; Heb 13:8
Sa Diyos lamang ang Kapurihan.
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.