Layunin: Upang malaman ang Epekto at Kaparusahan ng kasalanan
Panimula: Tanungin ang nakikinig sa mga kaisipang ito…
Tagapanguna: Sa bawat sagot ng mga nakikinig pwede mong sundan ng tanong na “bakit?”
- Paano mo ilalarawan ang buhay sa mundo?
- Medyo masaya? Miserable? Atbp.
- Ang buhay sa likod ng kamatayan
- Maglalaho lang? Sasalin sa ibang buhay (re-incarnation)? May paghuhukom?
BAKIT KAILANGANG HATULAN NG DIYOS ANG KASALANAN?
Karaniwang kaisipan: Ang pangunahing gusto ng Diyos ay magpatawad at unawain ang tao sa kanyang kahinaan at kasalanan. Ang Diyos ay halos ipinapakilala lamang bilang Diyos ng pag-ibig. Kunin ang tugon ng nakikinig.
Basahin: Roma 1:18
Sapagkat ang poot ng Diyos ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat ng kalikuan at kasamaan ng mga tao, na sa pamamagitan ng kanilang kasamaan ay pinipigil ang katotohanan.
Ang POOT ng Diyos – masidhing pagkamuhi sa kasalanan at determinasyong maparusahan ang mga makasalalanan.
- Itanong: Ano ang magiging tugon mo sa kaisipan na ang Diyos ay maaring magalit at parusahan ang mga makasalalan?
- Tandaan: Ang sakop ng Kanyang poot – “lahat ng kalapastanganan at kasamaan” – nasasakop ang lahat ng uri ng kasamaan; walang kasalanan na hindi napopoot ang Diyos.
- Paglalapat: Isasama mo ba ang iyong sarili bilang isa sa parurusahan ng Diyos?
- Ang tanong ng bawat makasalanan: “Paano ako makaiiwas sa poot ng Diyos sa aking kasalan?”
Basahin: Roma 1:28-32
At palibhasa’y hindi nila minabuting kilalanin ang Diyos, hinayaan sila ng Diyos sa isang mahalay na pag-iisip, upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat. Napuno sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman, kahalayan; at puno ng inggit, pagpaslang, pag-aaway, pandaraya, katusuhan, mahihilig sa tsismis, mga mapanirang-puri, mga napopoot sa Diyos, mga walang pakundangan, mga palalo, mga mapagmataas, mga manggagawa ng masasamang bagay, mga suwail sa mga magulang, mga hangal, mga hindi tapat sa kanilang mga pangako, hindi mapagmahal, mga walang awa. Nalalaman nila ang mga iniuutos ng Diyos, na ang mga gumagawa ng gayong mga bagay ay karapat-dapat sa kamatayan, ngunit hindi lamang nila ginagawa ang gayon kundi sinasangayunan pa ang gumagawa ng mga iyon.
Ang lahat ng kahirapan sa buhay – ito’y idinudulot ng imoralidad at mga kasalanan na dinadala sa buhay ng tao sa mundo.
- Tandaan: “Hinayaan sila ng Diyos… (tl. 28)” Ito’y isang kilos ng paghatol ng Diyos sa kanila, hindi na sila pinigilan ng Diyos sa kasamaan.
- Ang masamang tao na pinabayaan sa sariling kasalanan ay malulubog pa lalo sa kasalanan.
- Sinasabi ng Biblia na ang kasalanan, una sa lahat , ay may kaugnayan sa moralidad.
- Pansinin ang kasamaan ng lipunan sa ngayon: kahit mahirap o mayaman.
- ILAPAT: Tinatanggap mo ba na ang lahat ng kahirapan (misiries) sa buhay/lipunan ay bunga ng pagiging makasalanan?
Ang naisin ng bawat makasalanan: “Ang makaligtas mula sa miserableng kalagayan ng buhay—ang pagiging makasalanan.”
Basahin: Roma 2:5-11
Ngunit ayon sa iyong katigasan at pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka para sa iyong sarili ng poot sa araw ng kapootan at pagpapahayag ng matuwid na paghuhukom ng Diyos. Kanyang gagantihan ang bawat tao ayon sa kanyang mga gawa: sa kanila na sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa mabubuting gawa, na naghahanap ng kaluwalhatian at karangalan at ng kawalan ng kasiraan, ay magbibigay siya ng buhay na walang hanggan; samantalang sa kanila na makasarili at hindi sumusunod sa katotohanan, kundi bagkus ay sumusunod sa kasamaan ay para sa kanila ang poot at galit. Magkakaroon ng hirap at pighati sa bawat kaluluwa ng tao na gumagawa ng kasamaan, una’y sa Judio at gayundin sa Griyego; subalit kaluwalhatian, karangalan, at kapayapaan sa bawat gumagawa ng mabuti, una’y sa Judio at gayundin sa Griyego: sapagkat ang Diyos ay hindi nagtatangi ng mga tao.
KAPARUSAHAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM
- Tandaan: Habang ang poot ng Diyos ay isang katotohanan sa pangkasalukuyan, nagtalaga rin Siya ng tanging Araw na ito’y ibubuhos lahat = “Ang Araw ng Kanyang paghatol.” (tl. 5)
- Ang patuloy na katigasan ng puso at hindi pagsisisi = “nagpapabigat sa parusang ipapataw.” (tl. 5)
- Ang kalagayan ng mga tatanggap ng Parusa: tl. 9
- “Paghihirap at kapighatian” = ipinahayag sa ibang salita ng ibang talata bilang “lawa ng naglalagablab na apoy”
- Itanong: Ito ba’y katanggap-tanggap o malaking tanong sa iyo ang hinaharap na sasapitin ng mga tao sa likod ng kamatayan?
Tanong ng bawat makasalanan: “Paano ako makakatakas sa parusa na nararapat ko lang tanggapin?”
Pag-isipan: “Bilang makasalanan, nararanasan ko ang epekto ng kasalanan sa aking buhay, lalo na ang takot sa parusa ng Diyos. Mayroon ba akong sapat na panlunas sa kasalanan?”
Mga Patunay ng Talata:
- Ang Poot ng Diyos laban sa kasalanan
- Hindi Niya ito matitigan ng walang kasamng poot (Hab. 1:13)
- Ang buong sangkatauhan ay nararapat tumanggap ng parusa ng Diyos sa kanilang kalagayan, sila’y tinawag na “kinapopootan ng Diyos.” Efeso 2:3; Jn 3:36
- Kaparusahan sa Impiyerno:
- Lugar na walang hanggan na walang presensiya ng Diyos. Mat. 7:23; 25:41
- Nararamdamang pagdadalamhati at sakit ng mga hindi maliligtas sa parusa ng Diyos. Pah 14:10,22; 21:8
Sa Diyos lamang ang Kapurihan.
- Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
- Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.