Tayo Na Sa Iglesia

Naganap noong Biyernes, July 1, 2022, ang ikalawang anibersaryo ng The Gathering na may temang “Tara na sa Church.” Dalawang pastor ang nagbahagi ng mensahe na may kinalaman sa kahalagahan ng Iglesia, pisikal na pagtitipon, at pagpapala ng pisikal na pananambahan. Maari ninyong mapanood ang kabuuan ng conference dito. Ang mga sumusunod ay ilang mga pahayag ng mga mangangaral (Paul Lito Jose at Rolando Ilo) mula sa conference:

Ang pangulo ng Iglesia ay walang iba kundi ang Panginoong Hesu-Kristo lamang. 

"Pag may nanghingi ng prayer request sa'yo, umupo kayo at mag-pray kayo."
Si Hesus ang pangulo at may-ari ng Iglesia. Kaya siya ang nagbibigay ng tuntunin at pamamahala nito. Siya ang may kapangyarihan at may karapatan maglagay kung paano mamuhay, paano gumalaw ang Iglesia Niya. Hindi ito nakabase sa ating kagustuhan, kultura, convenience, kundi nakabase sa kautusan ng ulo ng Iglesia.
"Nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng opisyal na kaanib o miyembro ng Iglesia dahil sa pag-uutos ng Bagong Tipan sa mga pastor na pakanin at pangalagaan ang kanilang mga kawan."
"There is no spectator in the church. Ang bawat isa ay may bahagi na ginagampanan."
Tungkulin ng mga mananampalataya ang magtipon. Tayo ay may tungkulin sa Diyos at sa ating kapwa mananampalataya. 
"Ang tamang paraan para maunawaan ang salitang Ekklesia ay hindi puntahan ang salitang Griyego (na mayroon namang tulong), kundi alamin ang pagkagamit nito sa Salita ng Panginoon. 
"Isa sa pinakamahalagang kahulugan ng salitang Ekklesia ay ang ideya ng assembly. And that is the people gathering together. Mga tao na nagsasamasama." 
"Hindi tama ang iyong kaisipan ng Iglesia kung hindi mo iisipin ang ideya ng pagtitipon." 
"Sa espiritu, tayo ay nagtitipon ngayon kasama ng unibersal na Iglesia ng Panginoong Hesu-Kristo na pisikal na naipapakita sa lingguhang regular na pagtitipon ng mananampalataya sa lokal na Iglesia."
Ang ating pisikal na pagtitipon ay dakilang pagpapamalas ng espirituwal na katotohanan na naroon sa kalangitan. Ito ay napapamalas tuwing Araw ng Panginoon, araw ng Linggo.
Sunday is the LORD's Day. Sunday is not family day. Sunday is not "me" day. Ang araw ng linggo ay araw kung saan ang mga mananampalataya ay nagsasama-sama at nagtitipon upang purihin ang Panginoon, upang alalahanin ang kanyang ginawa sa krus, upang ipagdiwang ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay, at upang ituon ang kanilang mga sarili kay Kristo.
Iimbitahin mo ang iyong kapatiran papalapit sa iyo. Hindi ka iiwas sa kanila. Kundi ang mananampalataya ay may obligasyon na imbitahin ang isa't isa. Tayo ay magsisikap para abutin sila at ilapit sila sa atin. Ang ating layunin ay mapalakas at mabunsod sila tungo sa pag-ibig at mga mabubuting gawa.
In our gathering together, we encourage one another to persevere in the faith. One of the means to preserve the faith is the gathering of the church. Bakit mahalaga ang Iglesia? Dahil ito'y Iglesia ng Panginoon, at tungkulin ng bawat mananamapalataya na magtipon tuwing Ayaw ng Linggo. 

#TGConference2022

#TaraNaSaChurch

Sa Diyos lamang ang kapurihan!

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: