Aralin 4: ANG ATING RELASYON SA KATANGIAN NG DIYOS

Layunin: Upang ipaalam sa nakikinig ang katangian ng Diyos na nangangailangan ng tamang pagtugon natin.

Itanong sa Nakikinig: Ano ang magiging reaksiyon mo sa mga sumusunod na pagla-larawan sa Diyos?

Tagapagturo: Ang sagot ng nakikinig ay magbibigay sa iyo ng kaisipan kung ano ang pananaw niya na dapat pagtuunan.

  • Siya ay Diyos na humahatol. Parurusahan Niya ang lahat ng mga makasalanan.
  • Siya ay Diyos na maawain at hindi Niya papansinin ang kasalanan ng mga tao.
  • Mahal Niya ang mabubuting tao at nakatuon ang Kanyang poot sa mga masasama lamang.

Basahin: Exodo 34:5-8

Ang PANGINOON ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at ipinahayag ang pangalan ng PANGINOON. Ang PANGINOON ay nagdaan sa harapan niya, at nagpahayag, “Ang PANGINOON, ang PANGINOON, isang Diyos na puspos ng kahabagan at mapagpala, hindi magagalitin, at sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan, na nag-iingat ng wagas na pag-ibig para sa libu-libo, nagpapatawad ng kasamaan, ng pagsuway, at ng kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay hindi ituturing na walang sala ang may sala; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.” Nagmadali si Moises na itinungo ang kanyang ulo sa lupa at sumamba.

Konteksto: Si Moises ay nakiusap na lalo pa niyang makilala ang Diyos. Ito na ang pinaka magandang mahihiling ng tao sa personal na Diyos na nagpakilala mismo ng Kanyang sarili.

Tandaan: Paano mo uunawain ang tila hindi pagkakasundo ng mga katangian ng Diyos na nabanggit? “mapagmahal at maawain” laban sa “hindi Ko pinalalampas ang makasalanan”

Nagtuturo ito sa atin na ang katangian ng Diyos na may relasyon sa atin ay dapat makita sa dalawang bahagi. Ang bawat isa ay dapat bigyang pansin sa bawat bahagi.


Unang Bahagi: Ang Diyos ay MAAWAIN at MAPAGMAHAL
Kalikasan ng Diyos na gumawa ng mabuti sa atin at magkaroon ng personal na relasyon sa atin.

  • (a) Siya ay nagpapakita ng natatanging awa sa mga taong nasa kabiguan bunga ng kasalanan (kanilang kasalanan; kasalanan laban sa kanila o biktima ng kasalanan ng iba)
  • (b) “Mapagpala at matiyaga” – hindi kaagad humahatol ang Diyos, sa halip Siya’y nagtitiyaga sa atin at pinagpapala maging ang mga hindi nararapat pagpalain.
  • (c) “Mapagpatawad” – Inaalis ang ating mga sala at nililinis mula sa kasamaan, nagpapakita ng mayamang biyaya ng Diyos.

Itanong: Ano ang kahulugan ng kaisipang ito: Mahal ng Diyos ang mabubuting tao, at kinamumuhian ang mga masasama?

Tagapanguna: Tandaan ang maaring maging kaisipan ng tagapakinig na ang kaligtasan ay maaring maging sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

Sa palagay mo ba’y kailangan mo ng habag ng Diyos? Bakit?

HAMON: Anumang kaisipan na ang kaligtasan ay dahil sa mabubuting gawain ay mali, dahil winawalang kabuluhan nito ang habag ng Diyos.


Ikalawang Bahagi: Ang Diyos ay BANAL at MAKATARUNGAN
Basahin:

Habacuc 1:13 “Ikaw ay banal, ayaw Mong tumingin sa kasamaan. Hindi Mo matatagalang tingnan ang kalikuan…”

Roma 1:18 “Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kalapastanganan at kasamaan ng mga taong sumisiil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.”

Bilang banal at makatarungan, Siya’y napapalayo dahil sa bawat kasalanan gaano man ito kaliit sa tingin ng tao. Bawat kasalanan ay nangangailangan ng parusa. Samantalang pinag papasensiyahan tayo ng Diyos sa ngayon, ibibigay din Niya ang kaukulang hatol/kaparusahan nito sa huling araw.

Itanong: Ano ang kaugnayan nito sa kaisipang: “Hindi papansinin ng Diyos ang ating mga kasalanan?” Ano ang reaksiyon mo sa katangiang ito ng Diyos?

Konklusyon: Ang Diyos ay nagpapadama ng pag-ibig at awa sa mga makasalanan. Ito ay biyaya/kagandahang loob ng Diyos! NGUNIT parurusahan Niya ang mga hindi magsisisi at tatalikod sa kasalanan na siyang hinihingi ng katarungan ng Diyos.

HAMON: Dapat mong katakutan ang katarungan ng Diyos. Hingin ang Kanyang habag!


Mga Patibay na Talata:

  • Ang Pag-ibig at habag ng Diyos
    • (a) Ang Diyos ay puno ng pag-ibig – Awit 25:10; 1Jn 4:8,16
    • (b) Ang pag-ibig ang dahilan ng pagliligtas ng Diyos – Oseas 3:1,2; Jn 3:16; Roma 5:6-8; 1 Jn 4:9,10
    • (c) Sa ngayon, ang Diyos ay hindi tayo pinarurusahan sa nararapat na parusa bilang makasalanan; ito ang habag ng Diyos – Awit 103:10; 130:3,4
  • Ang kabanalan at katarungan ng Diyos
    • (a) Ang kabanalan ay pinaka-natatanging kalikasan ng Diyos – Awit 99:3; Oseas 11:9; Awit 24:3; Isa 6:3
    • (b) Bilang makatarungang Diyos, Siya ay walang kinikilingan sa pagpapatupad ng Kanyang mga kautusan – Gawa 10:34,35; Roma 2:3-6
    • (c) Tiyak na parurusahan Niya ang lahat ng mga makasalanan – Awit 5:4,5; Roma 2:16; 2 Cor 5:10,11

Sa Diyos lamang ang Kapurihan.


  • Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
  • Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: