Aralin 3: ANG KALIKASAN NG DIYOS

Layunin: Upang ipaalam sa nakikinig ang katangian ng Diyos na nangangailangan ng tamang pagtugon natin.

Panimula: Pansinin ang katangian ng mga taong malapit sa atin ay nakakaapekto sa ating pakikitungo sa kanila

Tagapagturo: Magagawa mo ito sa pamamagitan ng sariling patotoo tungkol sa kaibigan o minamahal; o maari ring hingin ang patotoo ng nakikinig tungkol sa kanyang malapit na kaibigan… tanungin ang nakikinig kung ano ang katangian ng Diyos ang hinahangaan niya.

Kunin ang mga katugunan sa ganitong mga pananaw tungkol sa Diyos:

  • Hinahayaan ng Diyos ang tao na magpatakbo ng sariling buhay sa mundo; at makikialam lamang Siya sa natatanging okasyon.
  • Sinusubukan ng Diyos na gumawa ng mabuti para sa tao, pero ayaw pahintulutan ng tao ang Diyos. Tinutulungan lamang ng Diyos ang mga tinutulungan ang kanilang sarili.

Tandaan: Ang sagot ng nakikinig ay magpapakita ng kanyang pagpapahalaga, o hindi, sa pagkilos ng Diyos sa buhay ng tao at sa Kanyang kapangyarihan.


Ang Katangian ng DIYOS
Basahin: Isaias 40:9, 12-18, 25-28
Konteksto: Sinabi ito sa mga Israelita na naghihintay ng hatol ng Diyos – ang pagkatapon sa ibang bansa. Para sa mga Israelita, ito’y tulad na rin ng pagkatalo mismo ng Diyos. Kailangan nila ng paalala ng tungkol sa katangian ng Diyos na kanilang tinataglay sa kanilang mga karanasan.
Pansinin: Ang paulit-ulit na “Narito ang iyong Diyos…” (English – “behold your God…”). Pagtuunan ng pansin kung sino ang Diyos.

Sa grupo ng mga salitang naglalarawan, ang Diyos ay ipinakilala bilang… ANG DIYOS AY SUKDULANG WALANG PAGKUKULANG AT MAKAPANGYARIHAN

Tagapanguna: Sa bawat katangian ng Diyos, mag-isip ng halimbawa o paghahalintulad na mauunawaan ng nakikinig.

  • (a) Ayon sa talata 12, ang Diyos ay sukdulan sa… Kanyang kakayahan: walang anuman o sinuman ang makahahadlang sa Kanya
  • (b) Ayon sa talata 13, 14, ang Diyos ay sukdulan sa… Talino at karunungan: walang sinumang makapagdaragdag sa angking talino/kaalaman.
  • (c) Ayon sa talata 25,26, ang Diyos ay sukdulan sa… Kapangyarihan at lakas: magagawa Niya ang lahat ng nais Niyang gawin.
  • Tanong: Kung tatanggapin natin ang paglalarawan ni Isaias sa Diyos, ano ang epekto nito sa pagkakilala natin sa Kanya?

Tagapanguna: Tanungin ang nakikinig kung mayroon siyang pananaw sa Diyos na dapat baguhin.

Konklusyon sa Nakitang Kapangyarihan ng Diyos:

  • talata 21-23, walang kapangyarihan sa buong sansinukob ang makahahadlang sa kapangyarihan at karapatan ng Diyos.
    • “mga pinuno” nagpapakita ng lahat ng kapangyarihan tao – kapangyarihan sa tungkulin at kaalaman.
    • Kahit ang kalikasan ay nasa ilalim ng pangunguna ng Diyos!
  • talata 27, 28 Walang sinuman ang hindi magbibigay sulit sa Diyos.
    • Alam Niya ang mga tamang ginagawa at mga kasalanan natin. Hindi Siya malayong tagapanood lang.
    • HAMON: Kung seseryosohin ang pananaw na ito sa Diyos, anong kaisipan ang mabubuo sa iyo?
    • Bigyang Diin: Ang Pagkaunawa na may pananagutan sa Diyos… Walang makaliligtas sa hatol ng Makapangyarihang Diyos.

Basahin: Mangangaral 12:13, 14

13 Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig. Matakot ka sa Diyos, at sundin mo ang kanyang mga utos; sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. 14 Sapagkat dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa paghuhukom, pati ang bawat lihim na bagay, maging ito’y mabuti o masama.


Mga Katibayang Talata (Optional):

  • Ang mga walang hanggang katangian ng Diyos
    • Omnipotente (pinaka makapangyarihan sa lahat) Isa 46:10; Dan 4:35; Rom 9:19
    • Omnisiyente (nalalaman ang lahat ng bagay) Oseas 5:3; Awit 139:3; Heb 4:13
    • Omnipresente (sumasa lahat ng dako) Awit 139:7-10; Jer 23:23, 24
    • Walang Hanggan (Eternal) Awit 90:2; Isa 57:15; Heb 1:11, 12; 2Pet 3:18
  • Ang saklaw na kapangyarihan at kontrol ng Diyos sa lahat ng bagay: Awit 115:3; 135:5,6; Efe 1:11

Sa Diyos lamang ang Kapurihan.


  • Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
  • Maaari ninyong i-download ang PDF copy dito.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: