Liryo Ng Libis (Lily of the Valley) 1. Si Jesus aking kaibigan, S’ya ang lahat sa ‘kin Pinaka-kaakit-akit sa akin; S’ya ang liryo ng libis, sa– Kanya natagpuan Panlinis sa kasalana’t kasam’an. Sa aking kalungkutan, S’ya ang kaaliwan S’ya’ng laging karamay at kanlungan. REFRAIN: S’ya ang liryo ng libis, S’ya’y– Tala ng Umaga Pinaka-kaakit-akit sa ‘kin S’ya. 2. Ang aking kapighatian ay Kanyang binata; Sa tukso’y aking Toreng Matibay S’ya. Ang lahat tinalikuran, lahat ng d’yus-d’yosan, Aking puso’y tiwalang iingatan. Mun-do’t si Satanas man, lahat laban sa ‘kin, Kay Jesus ako’y t’yak makararating. (ulitin ang Refrain) 3. Hindi N’ya pababayaan, ako’y aakayin; Sa pananalig S’ya’y laging susundin. Hindi na mababahala an’man ang kumubkob; Kalul’wa ng manna N’ya’y binubusog. At sa kal’walhatian, mukha’y makikita Du’n ay dadaloy ilog ng ligaya. (ulitin ang Refrain)
To God be the glory!
Liryo Ng Libis
Tagalog Version of The Lily of the Valley
Words: Charles W. Fry
Music: William S. Hays
Translation: Romy H. Endaya; GRBC-Calauag