Aralin 1: ANG MGA KARAPATAN NG DIYOS

Layunin: Upang maitatag ang mga karapatan ng Diyos sa Kanyang Nilikha

(Ito ay mahalagang maitanim sa kaisipan ng mga makikinig, na sila ay nilikha at ang Lumikha ay may hindi maitatangging karapatan sa Kanyang nilkha)

Panimulang Tanong: Ano ang pangkaraniwang kaisipan tungkol sa kaugnayan ng tao sa Diyos?

Mga Posibleng kasagutan:

  • (a) Hinahayaan Niyang mangyari ang mga bagay sa buhay ng tao.
  • (b) Nagbibigay ng mga pagpapala sa mga tao.
  • (c) Nagpapatawad at umuunawa sa mga kahinaan ng tao.
  • (d) Humihingi ng pagsunod at pag-ibig mula sa tao.

Tagapanguna: Ang mga kasagutang ito ay tama, ngunit ang sagot ng nakikinig ang magbibigay sa’yo ng kaisipan tungkol sa kanyang espirituwal na katayuan.


Basahin: Genesis 1:26-27 ABAB

Sinabi ng Diyos, “Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis; at magkaroon sila ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop, sa buong lupa, at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa.” 27 Kaya’t nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila’y kanyang nilalang na lalaki at babae.

Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan nang ayon sa Kanyang wangis.
Tanong – Ano ang pangunahing relasyon na namamagitan sa Diyos at sa tao? Relasyon ng Manlilikha — Nilikha
Paghahalintulad: Ano ang mga karapatan ng inbentor/lumikha sa kanyang inbensiyon o nilikha?

Tagapanguna: Alamin kung ang nakikinig ay tinatanggap niya na ang Diyos ang kanyang Manlilikha; maging bukas sa kanyang personal na problema o pagtutol dito.

Mga Posibleng Sagot:

  • (a) siya’y paglingkuran nito
  • (b) pakinabangan o kumita ng pera mula dito
  • (c) Sumasalamin ng personalidad ng imbentor o lumikha (Hal: Paintings, sculptures, Mga Awitin)

Ano ang maaring angkinin ng Diyos sa tao bilang Manlilikha?

Basahin: Awit 100:2,3

“Maglingkod kayo sa PANGINOON na may kagalakan; magsilapit kayo sa Kanyang harapan na may awitan. Kilalanin ninyo na ang PANGINOON ay Diyos! Siya ang lumalang sa atin, at tayo’y sa Kanya; tayo’y Kanyang bayan, at mga tup ang Kanyang pastulan.”

  • (a) Ang tao ay nilikha upang magkaroon ng masayang kaugnayan sa Diyos
    • Ang tao ay dapat magsaya sa karapatan ng Diyos sa kanya.
  • (b) Ang tao ay nilikha upang maging katulad ng Diyos ang pag-uugali o katangian.
    • Tandaan: Ito ang dignidad ng tao (di tulad ng sa hayop)

Basahin: Roma 11:36

“Sapagkat mula sa Kanya, at sa pamamagitan Niya, at para sa Kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen”

  • Ang tamang tugon sa saklaw na karapatan ng Diyos:
    • “mula sa Kanya” = pinagmulan; sa Diyos nagbuhat ang lahat ng bagay.
    • “sa pamamagitan Niya” = nagpapanatili; ang Kanyang kapangyarihan ang nagpapanatili sa lahat ng bagay
    • “para sa Kanya” = layunin; ang Kanyang kaluwalhatian ang layunin ng lahat ng bagay
  • Ang biblikal na kapahayagan ng pagkilala sa mga karapatan ng Diyos: SA KANYA ANG KALUWALHATIAN
    • pagluluwalhati sa Diyos (Bigyang diin ang bahagi na babagay ng husto sa nakikinig) = pagsamba; paglilingkod; pagsunod; pagtitiwala = pag-uugali at pagkilos na nagbibigay karangalan sa Diyos (1 Corinto 10:31).
    • “The chief end of man is to glorify God and enjoy Him forever.” ― Westminster Shorter Catechism

Mga Mapanuring Tanong: Ang ating buhay ba ay naghahanap ng ikaluluwalhati ng Diyos?

  1. Kinikilala mo ba ang Diyos bilang Manlilikha na may mga karapatan sa iyo?
  2. Ang iyong buhay ba ay kumikilala sa mga karapatang ito upang unahin ang Kanyang kaluwalhatian?
  3. May nararamdaman ka ba na tila ang Diyos ay malayo o laban sa iyo?

Mga Patunay na Talata (Optional):

  1. Ang Diyos bilang Manlilikha
    • Kasaysayan ng Paglikha – Genesis 1 & 2
    • Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay – Awit 33:6; 102:25; Isa. 40:26; 45:12; Gawa 17:24; Pahayag 4:11; 10:6
  2. Pagluluwalhati sa Diyos bilang katungkulan ng tao
    • Itinatangi ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian – Isa 42:8; 48:11
    • Ang tao’y dapat nagbibigay luwalhati sa Diyos sa buong buhay – 1 Corinto 10:31

Sa Diyos lamang ang Kapurihan.


  • Ang aralin na ito “Sow Your Seed – Tagalog” ay isinulat ni Ptr. Noel Espinosa ng Grace Baptist Church – Los Baños. Inilathatla dito ng may pagsang-ayon ng may akda.
  • Maaari niyo i-download ang PDF copy dito.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: