Na maging kuntento sa anumang nais ibigay sa akin ng Diyos.
Umiwas kayo sa pag-ibig sa salapi at kayo'y masiyahan na kung anong mayroon kayo, sapagkat sinabi niya, "Sa anumang paraan ay hindi kita iiwan, o pababayaan man." Hebrews 13:5 ABAB
Nakita natin sa naunang tanong na hindi mali ang pagnanais na magkaroon ng anumang bagay, ang ika-sampung utos ay nagbabawal na nasahin ang pagmamay-ari ng iba. Ang kasamikan at pag-iimbot ay hindi ganiton pag-iisip, “Nais kong magkaroon ng sariling tahanan” kundi, “Gusto ko ang bahay niya. Gusto kong makuha ang asawa niya. Kung magkakaroon lang ako ng mayroon siya, ako ay magiging maligaya.” Ang pag-iimbot ay pagkakabigo na ibigin ang iyong kapwa.
Bukod pa dito, ang ikasampung utos ay nagbabawal sa kawalan ng kakuntentuhan sa kung anong mayroon ka. Sa tuwing tayo ay nag-iimbot, hindi tayo naniniwala na sapat ang biyaya ng Diyos at Siya ay nag-iingat satin. Iniisip natin na may utang sa atin ang Diyos at nararapat na ibigay Niya ang nais natin. Dito malinaw na imposibleng ibigin natin ang Diyos at ang ating kapwa habang ang ating puso ay punong-puno ng pag-iimbot dahil sinabi sa Col. 3:5 na ang kasakiman ay pagsamba sa mga diyus-diyosan.
Nagbigay si Kevin De Young ng apat na tanda upang malaman natin kung tayo ba ay nagiging sakim o nag-iimbot na. Una, maaaring nag-iimbot ka kung nakasakit ka ng iba para makakuha ng higit pa para sa iyong sarili. Pangalawa, maaaring nag-iimbot ka na kung abala ka lamang sa pagtatrabaho at pag-iipon ng higit pa. Pangatlo, maaaring nag-iimbot ka na kung ayaw mong isuko ang bagay na mayroon ka para sa Diyos o para sa iyong kapwa. Panghuli, maaaring nag-iimbot ka na kung madalas kang nagrereklamo tungkol sa iyong bahay, sa iyong asawa, sa kalidad o dami ng iyong mga ari-arian, at sa pangkalahatang estado ng iyong buhay.
English Version
Q.107. What does the tenth commandment teach you?
A. To be content with whatever God chooses to give me. (Heb 13:5)
We saw in the previous question that it is not wrong to desire to have anything, the tenth commandment forbids coveting the possession of others. Greed and selfishness are not such thinking, “I want to have my own home” but, “I want her house. I want to get her husband. If I could only have what she has, I would be happy. ” Selfishness is the failure to love your neighbor.
Additionally, the tenth commandment forbids dissatisfaction or discontentment with what we have. Whenever we are selfish, we do not believe that God’s grace is enough and He is taking care of us. We think that God owes us and that He should give us what we want. Here, it is clearly impossible for us to love God and our neighbor while our hearts are full of selfishness because Col. 3: 5 that greed is idolatry.
Kevin De Young gave four signs in order for us to know if we already have a greedy or covetous heart. First, you might be coveting if you’ve hurt others in order to get more for yourself. Second, you might be coveting if you’re preoccupied with making and accumulating more. Third, you might be coveting if you’re unwilling to give up what you already have. Lastly, you might be coveting if you’re frequently grumbling about your house, your spouse, the quality or quantity of your possessions, and the general state of your life.
To God be the glory!
Note: This question is #106 in the Children’s Catechism
References:
- Deyoung, K. (2018). The 10 Commandments: what they mean, why they matter, and why we should obey them. Crossway.
Amen! Thank u Bro.Jeff
LikeLike
Amen!
LikeLike
Salamat po.
LikeLike
Truth!
LikeLiked by 1 person
Amen.
LikeLike