Pagbubulay-bulay: Mga Awit 135:13-21

Ang iyong pangalan, O PANGINOON, ay magpakailanman, ang iyong alaala, O PANGINOON, ay sa lahat ng salinlahi. Sapagkat hahatulan ng PANGINOON ang kanyang bayan, at mga lingkod niya’y kanyang kahahabagan. Ang mga diyus-diyosan ng mga bansa ay pilak at ginto, na gawa ng mga kamay ng mga tao. Sila’y may mga bibig, ngunit hindi sila nagsasalita; mayroon silang mga mata, ngunit hindi sila nakakakita; sila’y may mga tainga, ngunit hindi sila nakakarinig; ni mayroon mang hininga sa kanilang mga bibig. Maging kagaya sila ng mga gumawa sa kanila — Oo, ang bawat nagtitiwala sa kanila! O sambahayan ni Israel, purihin ninyo ang PANGINOON! O sambahayan ni Aaron, purihin ninyo ang PANGINOON! O sambahayan ni Levi, purihin ninyo ang PANGINOON! Kayong natatakot sa PANGINOON, purihin ninyo ang PANGINOON!

Psalms 135:13-20 ABAB


Kung atin mapapansin, ang awit 135 ay walang pamagat sa kadahilanan na ang mga salita o mga talata nito ay kinuha o kaya naman ay makikita sa iba pang mga aklat, kabanata at talata sa bibliya. Ayon pa kay “Charles Spurgeon” Paminsan-minsan ay inuulit ng Banal na Espiritu ang kanyang sarili hindi dahil Siya ay may anumang kakulangan ng pag-iisip o mga salita, ngunit dahil ito ay kapaki-pakinabang para sa atin na marinig ang parehong mga bagay sa parehong anyo.

At sa sinabi na ito ni Spurgeon ito at isang katotohanan lamang na ang salita ng Diyos ay hindi kailanman nakakasawa kahit pa ito’y mag mukhang paulit-ulit dahil ito ay may kapangyarihan na magbago ng puso at magligtas ng isang makasalanan.

Sa 13 hanggang 14 pinatutungkulan ang kadakilaan at katanyagan ng Diyos! Ang paghahatol ng Diyos at kanyang awa.

Sa 15 hanggang 17 isinasalarawan ang mga Diosdiosan na tunay na walang kabuluhan at hindi kailanman maaaring ikumpara sa tunay na Diyos na may lakas at kapangyarihan at hindi kailangan ng tulong ng kahit sinopaman.

Sa 18 makikita na ang mga taong sumasamba at gumagawa sa mga diosdiosan ay kagaya din naman nila na kung paanong ito’y espiritwal na patay ay ganoon din nman sila dahil sa kanilang pagiging patay sa kasalanan.

Sa 19 hanggang 21 makikita din ang panawagan na patuloy na pagpupuri sa Diyos hindi lamang ito nakabatay sa panahon ng mga tribo ng bansang Israel ngunit maging sa kapanahunan natin bilang isang tunay na iglesya ng Diyos siya ay ating purihin ng may pagtitiwala, pagpapasalamat at pagpapasakop sa kanyang mga salita.

Para sa mga mananampalataya kumusta na ang ating pagkakakilala sa ating Diyos hanggang ngayon ba pag-ibig (mababang panananaw) pa lang din ang ating nalalaman tungkol sa kanyang katangian o sa pagtagal ng panahon at sa kanyang biyaya lumalago na tayo at lumalalim sa pagkakakilala sa kanyang mga katangian. Na Siya ay dakila at tanyag sa lahat, na Siya ay naghahatol ngunit may awa at biyaya din naman at hindi siya kagaya ng mga diosdiosan na walang lakas at kapangyarihan dahil ang ating tunay na Diyos ay ganap at lubos ang lakas at kapangyarihan.

Paano naman natin pinupuri ang ating Diyos tuwing linggo lang ba o araw ng panambahan? O di ba dapat na sa lahat ng aspeto ng ating buhay bilang mananampalataya maliit man o malaki ito. May saya o kapighatian, kabigatan tayong nararanasan pinupuri at dinadakila natin ang Diyos. Hindi natin ito magagawa ng lubusan kung limitado lamang ang ating kaalaman patungkol sa kanyang mga katangian at kung patuloy tayong titingin sa ating mga sarili at sa ating mga kasalanan na pinatawad na at hinugasan ng dugo ni Kristo. Nawa ay ipanalangin nating palagi na tulungan at palaguin tayo ng Diyos na purihin siya ng lubusan at kahit pa ito’y paulit-paulit pa dahil tanging siya lamang ang karapat-dapat sa papapuring walang hanggan.

Para sa mga wala pa sa Panginoon hindi mo kilala ang Diyos wala kang alam sa kanya, dahil kung kilala mo siya at may alam ka sa kanya matatakot ka at pupurihin siya. Ang dahilan ng iyong kamangmangan patungkol sa Diyos ay ang patuloy mong pag-ibig sa iyong mga kasalanan ito ang sanhi ng iyong pagkabulag upang hindi mo makita ang kanyang kadakilaan, ng iyong pagkabingi upang hindi madinig ang panawagan ng ebanghelyo tungo sa kaligtasan at pagsisi at ng iyong pagkapipi upang hindi siya parangalan at luwalhatiin. May paraan at may panahon pa sa mga oras na ito nakikita mo ang iyong kasalanan at kung gaano ito karumi, napapakinggan mo ang ebanghelyo na tumatawag na talikuran mo ang iyong mga kasalanan at magtiwala kay Kristo bilang tagapamagitan at tagapagligtas. Nawa ay hipuin ng Diyos ang iyong puso at isuko mo sa kanya ang iyong buhay at magkaraon ng pananampalataya kay Kristo at sa ganitong paraan masasambit na ng iyong mga labi na purihin ang Diyos magpakailanman na siyang nagpatawad at naghugas ng aking mga kasalanan!

Sa Diyos lamang ang papuri!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: