IDULOG MO SA DIYOS

Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay, sa pamamagitan ng panalangin at pagsamo na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos.

Filipos 4:6

Bagamat tayo’y iniligtas at pinatawad na ng Diyos sa ating mga kasalanan, hindi nangangahulugan na hindi na tayo magdaranas ng kapighatian at mga hamon sa ating buhay mananampalataya. Ngunit ang katotohanan ay kalakip ito sa ating buhay bilang mga tao ng Diyos.

Datapwat may mga pagsubok at alalahanin, ang katotohanan naman ay mayroon tayong Diyos na tapat sa Kanyang mga Salita at handang makinig sa ating mga pagdaramdam. Isa sa mga kalikasan ng Diyos ay marunong siyang makinig sa kanyang mga tao, kaya nga may tinatawag na panalangin upang sa ganon masabi natin sa kanya ang ating mga nais kahit ito’y mga suliranin man, pagnanais, pasasalamat at pagpupuri.

Sa panalangin, may pagkakataon tayong makipagniig sa ating Diyos at isiwalat kung anoman ang nilalaman ng ating puso. Likas sa tao ng Diyos ang mapanalanginin ito’y pagpapatunay na nakabatay at lamang ating pagtitiwala sa kanya at mayroong tayong kagalakan na makipag-ugnayan sa kanya.

Kaya anoman ang ating nararamdaman at pinagdaraanan sa ating buhay bilang mananampalataya, manalangin tayo sa Diyos. Huwag tayong mangamba na hindi niya tayo pakikinggan dahil ang Diyos ay tunay at tapat sa kanyang mga pangako.

Hilingin natin sa kanya na lumago tayo sa pananalangin dahil ito ay isang armas natin upang labanan ang inihahain ng kaaway. Tingnan natin si Kristo ang kanyang buhay noong siya ay naging tao, kung gaano kahalaga sa kanya ang pananalangin at kung paano niya ito iniingatan at sinusunod ang kalooban ng Ama.

Sa Diyos lamang ang papuri!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: