Kamandag ng Lason

Habang panahon labis na kabigatan,
Iyong nararanasan sa iyong buhay.
Hindi mo madama ang katahimikan.
O ang araw man na nais mong sumilay.

Di mo alintana kung ano ang bunga,
Ng isang kamandag na lason na ito.
Na sa iyo’y pilit na nagpapahina.
Sa simula pa, maging hanggang sa dulo.

Nais mang tumakbo at ito’y labanan
Hindi makawala sa pagkakagapos
Hanggang sa humantong sa iyong hantungan
At dito nabatid ang poot na labis.

Huwag mong isara ang iyong mga mata
Buksan ang pandinig at ika’y makinig
Sa katotohanang magbibigay laya
Upang lason ay mawalan ng kamandag.

Lumapit ka sa “ilaw” at magsisi ka.
Magpasakop at ikaw ay magtiwala.
Dahil tanging siya at wala ng iba.
Ang sa “lason” ay magpapawalang “bisa”.

Sa Diyos lamang ang Papuri!

2 thoughts on “Kamandag ng Lason

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: