Gaano Kahalaga ang Pulong Panalangin?

Ito ay salin mula sa “Ang Pulong Panalangin” ni James Smith (1802—1862) na isinalin ng aming pastor.


Mahal na kapatid, ikaw ba ay dumadalo ng pulong panalangin? Maaring hindi mo pa nauunawaan nang lubos ang kahalagahan nito. Ang pulong panalangin ay isang pagtitipon ng mga tao ng Dios upang manalangin para sa isa’t isa, at para sa mundo sa pangkalahatan. Palaging binabasbasan ng Panginoong Jesus ang bawat pulong panalangin, sapagkat ipinangako Niya na “Kung saan dalawa o tatlo ay nagkakatipon sa Aking pangalan, nandoon Ako sa kanilang kalagitnaan.” Bagama’t ang lahat ng panalangin ay tinatanggap at kinalulugdan ng Diyos — nagbitiw Siya ng natatanging mga pangako sa magkakaisang panalangin ng Kanyang mga tao. Kaya isang napakahalagang bagay kung matapat na mapanatili ng isang iglesya ang pagdaos ng pulong panalangin. Kailangang pagsumikapan ng bawat mananampalataya ang pagdalo sa pulong panalangin. Kung ninanais mong makatagpo ang iyong Tagapagligtas, makapag-bigay damay sa iyong mga kapatiran, at maging kabahagi ng gawain ng pagsusumamo para sa kaligtasan ng mga makasalanan sa iyong paligid — huwag mong pabayaan ang pulong panalangin.

Ang kadalasang dulot ng pulong panalangin ay…

  • mapag-isa ang mga banal ng Dios
  • mapagsigla ang mga kaloob ng Espiritu sa kanilang buhay,
  • mapanumbalik ang dalisay na relihiyon, at
  • maibabá ang pagpapala ng Dios sa mga banal at biyaya ng kaligtasan para sa makasalanan.

Hindi tayo makakaasa na lumago ang iglesya, kung napababayaan ang pulong panalangin, o kung dinadaluhan ito sa paraang malamig o mekanikal. Ang panalanging handong ay kinakailangang maiksi, mula sa maalab na puso, at ang bawat salita ay pinag-iisipang mabuti. Ang bawat dumadalo ay kailangang makibahagi sa pananalangin sa kanilang puso.

Ang isang kapatid ba ay matamlay sa pananalangin? Ipanalangin mo na pasiglahin siya ng Dios. Siya ba ay malamig at mekanikal? Hilingin mo sa Dios na maramdaman ng iyong kapatid ang halaga ng mga kaluluwa sa kanyang puso. Huwag mong kalimutan; huwag mong pabayaan; at huwag mong ipahintulot na may anumang bagay na makahahadlang sa’yo sa pulong panalangin!

Palagiang dumalo upang manalangin para sa isang partikular na pagpapala, o partikular na tao. Ihanda na ang mga bagay na kailangan idulog sa Panginoon sa pananalangin bago pa man pumunta sa pagtitipon. Kung pinapahalagahan ng lahat ng mga kapatiran ang pulong panalangin; kung ang lahat ng dumadalo nito ay tunay na nagsusumamo sa Dios; kung mayroong banal na determinasyon ang mga tao ng Dios na humiling hanggang sa sila’y magtagumpay — tiyak na bubuksan ng Panginoon ang kalangitan upang ibuhos Niya ang Kanyang pagpapala sa Kanyang iglesya. Magkakaroon ng sigla ang mga banal, kaligtasan sa mga makasalanan, at kaluwalhatian para sa ating Panginoon.

Napabayaan mo ba ang pulong panalangin? Nawa’y makita mo na ang hindi pakikiisa dio ay isang kapabayaan sa tungkulin bilang bayan ng Diyos. Pagsikapan mong huwag itong mapabayaan. Dumalo ka na sa nakatakdang pulong panalangin sa linggong ito. Hikayatin mo ang kapatiran na hindi rin nakakadalo, at sabay-sabay kayong dumalo. Manalangin bago pumunta sa pagtitipon, manalangin habang patungo sa pagtitipon, manalangin sa oras ng pagtitipon — upang ibuhos ng Panginoon ang Kanyang pagpapala sa Kanyang iglesya. Hinding-hindi natin matutunghayan ang dakilang mga bagay hangga’t sa ang ating pulong panalangin ay buháy, nasa diwa, at dinadaluhan nang matapat.

Sa Dios lamang ang kapurihan!

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: