Lahat ng meron ka ay hindi sa iyo.
Anomang bagay ay wala sana tayo.
Dahil sa mundong ito lahat ay dayo.
Maging ako, sila man at kahit kayo.
Buksan mo ang iyong mata at ‘yong masdan.
Kanyang mga gawa na may karilagan.
Huni ng mga ibon iyong pakinggan.
Habang nasa puno at nagaawitan.
Halaman at bulaklak ay nagkukusa.
Sa lakas ng hangin ay nakikiisa.
Pagbuhos ng ulan lupa’y nababasa.
Upang diligan buhay na umaasa.
Ating alamin at isaalang-alang.
Na ang lahat ng ito’y sa Diyos lamang.
Kanyang kapangyarihan ay walang hanggang.
Kayat sinoman, “Hindi Dapat Magyabang”
Sa Diyos lamang ang Kapurihan!