Ang iwasan ang masidhing pagkagalit.
“Narinig ninyo na sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman at ang sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Raca,’ ay mananagot sa Sanhedrin; at ang sinumang magsabi, ‘Ulol ka,’ ay magdurusa sa nag-aapoy na impiyerno.
Matthew 5:21-22
Nabanggit natin na ang utos na ito ay tumutukoy sa pagpaslang o sinasadyang pagpatay ng tao. Kasama na dito ang pagkitil sa sariling buhay, pagpapalaglag, eutanasya o pagpatay sa tao dahil sa awa. Pinapakita lamang dito na dapat nating ipagtanggol at pahalagahan ang buhay, at magpasalamat sa nagbigay ng buhay, para sa iyo, sa iyong mga anak, magulang, at kapwa. Dapat nating ingatan ang buhay na nagmula sa Diyos.
Higit pa dito, itinuro din ni Hesus ng mas malalim ang kahulugan nito. Hindi lang ito nagbabawal ng pagkitil ng buhay kundi maging ang masidhing emosyon at pagnanasa ng ating puso. Maaaring hindi tayo makapatay ngunit humarap pa rin sa paghatol ng Diyos dahil ang buhay natin ay puno ng galit, pagkainggit, pagkamuhi, at paghamak sa ibang tao. Ito’y dapat na maunawaan ng mga bata. Ang pinaka punto ng Bibliya patungkol sa utos nito ay ang kalagayan ng ating puso na nakikita ng Banal na Diyos.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.99. What does the sixth commandment teach you?
A. To avoid angry passions. (Matt 5:21-22)
“You have heard that it was said to those of old, ‘You shall not murder; and whoever murders will be liable to judgment.’ But I say to you that everyone who is angry with his brother will be liable to judgment; whoever insults his brother will be liable to the council; and whoever says, ‘You fool!’ will be liable to the hell of fire.
Matthew 5:21-22
We mentioned that this commandment refers to murder or intentional manslaughter. This includes suicide, abortion, and euthanasia. It simply shows that we must defend and value life, and be grateful to the Giver of life, for you, your children, parents, and neighbors. We must preserve the life that comes from God.
Moreover, Jesus also taught more deeply its meaning. It not only forbids the taking of life but also the intense emotions and desires of our hearts. We may not murder anyone and still face God’s judgment because our lives are full of anger, envy, hatred, and contempt for other people. Children must understand this. The very point of the Bible regarding its command is the condition of our heart as seen by the Holy God.
To God be the glory!
Note: This question is #98 in the Children’s Catechism
Reference: Deyoung, K. (2018). The 10 Commandments: what they mean, why they matter, and why we should obey them. Crossway.