I Will Not Be Mastered by Anything

“All things are lawful for me,” but not all things are helpful. “All things are lawful for me,” but I will not be dominated by anything.

1 Corinthians 6:12

Totoo ba na ang context lang nito ay tungkol lamang sa sexual immorality? Well, totoong about sexual immorality ang pinaka-context ng passage na ito, ngunit maaari din itong i-apply sa marami pang bagay sa buhay ng isang Kristiyano. Ating palawigin pa ang gustong sabihin ng Diyos sa atin sa passage na ito nang sinabi ni Apostle Paul na, “I will not be mastered by anything”. 

May kasabihan tayo na, “Ang lahat ng sobra ay masama”, or anything in excess is bad. Ito nga ay secular na kasabihan, ngunit ito ay ina-affirm ng Scripture sa 1 Cor. 6:12. Totoo na binigyan tayo ng Diyos ng mga bagay na pwede nating i-enjoy sa mundong ito, ngunit kung tayo ay nalululong sa mga enjoyable things na ito at nakakalimutan na natin ang communion natin sa Diyos, that is where the danger comes in. We need to reassess ourselves. Ito ay ilan lamang sa mga bagay na maaaring maging lulong tayo: 

Social Media: Pagka-gising pa lang sa umaga ay pag-check na agad sa social media accounts ang inaatupag. Instagram, Twitter, Facebook, ganoon din bago matulog. According sa statistics, the average Filipino spends 4 hours a day on social media platforms. 

Job/Career: Working mula Monday-Saturday. Workaholic kung tatawagin. Nagtatrabaho ng 9, 10, 11 hours a day! That is a total of 54-66 hours a week. Hindi na hanap-buhay ang tawag doon, kungdi hanap-patay! Ang masama pa dito kahit nasa bahay na, their laptop computers are still right on their faces, even on weekends! 

Food: Breakfast, pre-merienda, merienda, brunch, lunch, pre-merienda, merienda, dinner, midnight snack, wala nang ibang ginawa kungdi ang kumain nang kumain. Lahat ng klase ng pagkain ay kinakain. Ganoon din sa caffeine addiction. I once heard a friend a few years back, “Hindi ko kayang simulan ang work ko sa morning without drinking a cup/cups of coffee”. Hindi naman masama ang pagiging mahilig sa kape, pero kung ito ay nagdudulot sa atin na parang hindi na tayo maka-function sa umaga ng mabuti kung hindi nakainom ng kape, indication ito na tayo ay lulong na sa caffeine.

At ang pinaka-nakakalungkot,

Ministry Idolatry: Sobrang busy natin sa church ministry na nakakalimutan na natin ang oras natin sa Diyos. Totoo naman na umaapaw ang joy at nagagalak ang ating puso sa paglilingkod sa Panginoon. Ngunit kung nakakalimutan na natin ang personal devotion, prayer, meditation and Bible study ay hindi na maganda. Sabi nga ni Martyn Lloyd-Jones, “To love the work of the Lord more than the Lord of the work is ministry idolatry”. Ganoon din kung napapabayaan na ang oras sa family, wala na ang quality time for bonding sa ating mga asawa at mga anak. Remember na ang totoong spelling ng love is not L.O.V.E., ang totoong spelling ng love ay T.I.M.E. 

The list could go on pero iilan lamang yan sa mga enjoyable things na binigay sa atin ng Panginoon. There is no room for material addiction sa buhay ng isang Kristiyano. Kapag hindi tayo nag-ingat at inabuso natin, they could turn into bad things at makasamâ na para sa atin. Ipag-pray natin sa Lord na tulungan tayong i-manage ang ating time. Ma-balance ang ating time sa mga bagay bagay. 

Sadly, ang mga bagay na ito ay hindi nakikita ng maraming Kristiyano as sinful! We are quick to condemn the addiction of cigarette smoking or alcohol, but we don’t condemn the addiction to caffeine and overeating. We condemn this sin and yet we accept the other. Kitang kita dito ang pagiging hypocrite ng maraming Kristiyano. Dahil ba accepted naman halimbawa ang pagkain at caffeine sa ating society and we view these things as “harmless” and we view alcohol and tobacco as “sinful”? According to 1 Corinthians 6:12, anything na lulong tayo ay masama. 

Addiction to anything is a sin. Any addiction is a form of idolatry, and scripture is clear that God hates idolaters. Karumal-dumal ang idolatry sa mata ng Panginoon. (1 Corinthians 6:9-10, Exodus 20:3) 

If you’re addicted to anything, if you are mastered by anything, tandaan na ang Panginoong Hesus lamang ang dapat na Master ng ating buhay. Repent now, confess your sin to God and ask for forgiveness. He is faithful and just to forgive you and cleanse you from all unrighteousness. (1 John 1:9)

Soli Deo Gloria!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: