(God my Refuge)
Dakila ka oh Diyos magpakailanman.
Iyong mga gawa di dapat pagtakhan.
Kahit ang puso ay sadyang mandaraya.
Ikaw ang dahilan ng pagtitiwala.
Hirap ng buhay ay laging nandiriyan.
Dahil ito ang bunga ng kasalanan.
Ngunit ang ‘yong biyaya, laging sagana.
Kahit ang lumbay ay hindi alintana.
Takot at pangamba ay hindi lilisan.
Luha at pighati ay mararanasan.
Sakit at dusa labis na madarama.
Hanggang sa gunita ay makakasama.
Subalit ang lahat mayroong hangganan.
May katapusan at walang alinlangan.
Kung iyong itutuon puso’t, isipan.
At sabihin “Diyos ang aking kanlungan”