Ang ibigin at sundin ang aking mga magulang at ang lahat na itinalaga ng Diyos na mamuno sa akin (Eph. 6:1)
Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito’y matuwid.
Ephesians 6:1
Gaya ng nabanggit natin sa naunang tanong, hindi lamang tumutukoy ang utos na ito sa pagsunod natin sa ating mga magulang kundi maging sa pamamahala na itinalaga ng Diyos. Mapapansin natin na may binigay na awtoridad ang Diyos sa ating pamilya, sa ating lipunan, at mundong ginagalawan. Hindi lahat pinuno, hindi lahat alipin, at hindi lahat may pamamahala. Gayunpaman, ito ay nagpapakita ng may Dakilang pamamahala na higit sa ating lahat. At ang pagpapasakop natin sa pamamahalang itinalaga ng Diyos sa mundo ay pagsunod sa Kanya.
Ayon sa De 21:18-21, ang paggalang sa ama’t ina ay seryosong utos. May matinding kaparusahan sa mga anak na lumalapastangan sa kanilang mga magulang. Kaya sa ating pagdidisiplina sa ating mga anak, ipaliwanag natin ang kahalagahan ng pagsunod. Hindi dahil nasasaktan o nagagalit tayo, kundi dahil ito ay matuwid sa harapan ng Diyos.
Ang kautusang ito ay nangangahulugan ng tatlong bagay: paggalang, pagsunod, at pagpapasalamat. Ang paggalang ay hindi nagmumula sa karapatan ng magulang na sila ay igalang, kundi dahil sa awtoridad na binigay ng Diyos. Ang pagsunod ay nangangahulugan na ang mga magulang ay responsableng nagbibigay ng malinaw na utos. Hindi natin dapat sila hayaan na mamuhay sa kanilang sariling paraan. Ang mapagpasalamat na puso ay pagpapakita din ng paggalang. Ang mga bata ay nararapat na maging mapagpasalamat sa mga sakripisyo ng kanilang mga magulang sa biyaya ng Diyos.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.97. What is the fifth commandment?
A. To love and obey my parents and all others that God appoints over me. (Eph 6:1)
As we mentioned in the preceding question, this commandment refers not only to our obedience to our parents but also to the authority that God has appointed. We see that God has given authority to our family, to our society, and to the world around us. Not everyone is a leader, not everyone is a servant, and not everyone has a ruler. However, it shows that there is Great Authority over all of us. And our submission to the authorities that God has assigned to us is obedience to Him.
According to De 21: 18-21, honoring our father and mother is a serious commandment. There is severe punishment for children who insult their parents. So as we discipline our children, let us explain the importance of obedience. Not because we are hurt or angry, but because it is right in the sight of God.
This commandment means three things: reverence, obedience, and gratitude. Respect does not mean that parents deserve to be respected in and of themselves, but because of God-given authority. Obedience means that parents responsibly give clear commands. We must not let our children live in their own way. A grateful heart is also an expression of respect. Children should be grateful for their parents’ sacrifices by God’s grace.
To God be the glory!
Note: This question is #96 in the Children’s Catechism
Reference: Deyoung, K. (2018). The 10 Commandments: what they mean, why they matter, and why we should obey them. Crossway.