Sa pananalangin, at pagpupuri, sa pakikinig, at pagbabasa ng Salita ng Diyos, at sa paggawa ng mabuti sa mga kapatiran.
“Kung iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tatawagin ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng PANGINOON, at ito’y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita; kung magkagayo’y malulugod ka sa PANGINOON, at pasasakayin kita sa mga matataas na dako sa lupa; at pakakainin kita ng mana ni Jacob na iyong ama, sapagkat sinalita ng bibig ng PANGINOON.”
Isaiah 58:13-14
Dahil ang Araw ng Panginoon ay Kanyang itinalaga na gawin ng Kanyang mga tao, ito din ay dapat na isagawa ayon sa Kanyang kagustuhan lamang tungo sa Kanyang kapurihan. Malinaw sa aklat ni Isaiah na dapat nating iurong ang ating mga paa sa paggawa ating sariling kalayawan (Isaiah 58:13-14), at parangalan ang Araw ng Panginoon.
Paano natin bilang mga magulang maipapakita sa mga bata na ituring na banal ang Araw ng Panginoon kung hinahayaan natin na gawin nila ang mga bagay na ginagawa na nila sa anim na araw (halimbawa nito ay ang paglalaro, panonood ng telebisyon at iba pa)?
Ang mga bagay na ito ay hindi kasalanan ngunit hindi dapat ginagawa sa araw ng Panginoon. Hindi ito madali ngunit ito ay magkakabunga kung ating sasanayin ang ating mga anak. Nawa bilang mga magulang, tayo ay maging modelo kung paano natin itinuturing na banal ang Araw ng Pagsamba.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.95. How should you keep the Lord’s Day?
A. In prayer and praise, in hearing and reading God’s Word, and in doing good to our fellow men.
“If you turn back your foot from the Sabbath, from doing your pleasure on my holy day, and call the Sabbath a delight and the holy day of the LORD honorable; if you honor it, not going your own ways, or seeking your own pleasure, or talking idly; then you shall take delight in the LORD, and I will make you ride on the heights of the earth; I will feed you with the heritage of Jacob your father, for the mouth of the LORD has spoken.”
Isaiah 58:13-14
Since the LORD’s Day is ordained by God for His people to observe, it must also be performed according to His will for His glory. It is clear from the book of Isaiah that we should turn back our feet from doing our own pleasure (Isaiah 58: 13-14), and honor the Day of the Lord.
How can we as parents show children that the Lord’s Day is sacred if we allow them to do the things they have been doing in six days (for example, playing games, watching television, and so on)?
These things are not inherently sinful but should not be done on the LORD’s Day. It will not be easy but it will pay off if we train our children. May we as parents be models of how we keep the LORD’s Day holy.
To God be the glory!
Note: This question is #94 in the Children’s Catechism