Ang Ikatlong utos ay ito,
“Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng PANGINOON ang sinumang gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.
Exodus 20:7 ABAB
Ang Pangalan ng Diyos na “Yahweh” ay banal. Ito ay hango sa apat na letrang Hebrew na “YHWH”. Ito ay isinalin ng iba bilang “Jehovah”, ang ilan naman ay “PANGINOON” (malalaking titik). Ito ang Pangalan ng Diyos na nakipag-tipan sa Kanyang bayan. Ang pangalan ng walang hanggan, makapangyarihan, at maluwalhating Diyos. Ang Pangalan ng Diyos ay nakakabit sa Kanyang Pagka-Diyos. Ang lapastanganin ang Pangalan Niya ay paglapastangan sa Kanyang kaluwalhatian. Ang “walang kabuluhan” ay tumutukoy sa pagbanggit o paggamit ng Pangalan ng Diyos sa kasamaan, walang katuturan, at sa maling dahilan.
Kabilang sa utos na ito ay hindi lamang ang pagbanggit sa Pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan kundi maging ang pagsumpa sa Pangalan ng Diyos sa kasinungalingan (Lev 19:12), mga huwad na pag-aangkin (Jer. 23:25) at pag-aalay sa huwad na diyos (Lev. 18:21).
Kahit mga bata ay nahuhulog dito, kaya tayong mga magulang ay dapat maging maingat sa mga lumalabas sa ating mga bibig. Ito’y madaling makuha ng mga kabataan. Sikapin natin na ito ay nagsusulong ng kapurihan at pagbigay galang sa Diyos.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.89. What is the third commandment?
A. The third commandment is,
“You shall not take the name of the LORD your God in vain, for the LORD will not hold him guiltless who takes His name in vain.”
Exodus 20:7 ESV
The Name of God “Yahweh” is holy. It is derived from the four Hebrew letters “YHWH”. It is translated by some Bibles as “Jehovah”, while others as “LORD” (capital letters). This is the Covenantal Name of God who has made a covenant with His people, the Name of the Eternal, Almighty, and Glorious God. The Name of God is attached to His Deity. To blaspheme His Name is to blaspheme His glory. “Vanity” refers to mentioning or using the Name of God in evil, nonsense, and for the wrong reasons/purpose.
This commandment includes not only using God’s Name in vain but also in swearing by God’s name falsely (Lev 19:12), false claims (Jer. 23:25), and offering to false gods (Lev. 18:21).
Even children fall into this, so we parents must be careful about what comes out of our mouths. It’s easy for young people to imitate our language. Let us strive that it promotes praise and reverence to God.
To God be the glory!
Note: This question is #88 in the Children’s Catechism