Ang sambahin ang Tunay na Diyos lamang at wala nang iba pa (Deuteronomy 6:13-14)
Matakot ka sa PANGINOON mong Diyos at maglingkod ka sa kanya at ikaw ay susumpa sa pamamagitan ng kanyang pangalan. Huwag kang susunod sa ibang mga diyos, sa mga diyos ng mga bansang nasa palibot mo.
Deuteronomy 6:13-14 ABAB
Dahil iisa lamang ang Diyos, Siya ang lumikha sa atin, at Siya lamang ang makapagliligtas sa atin, nararapat na Siya lamang ang ating sambahin. Ano mang bagay o tao na binibigyan natin ng halaga ng higit sa Diyos ay tila mga diyus-diyosan sa harapan Niya. Hindi sila ang dapat nating pag-ukulan ng pagsamba at panahon. Ang ating mga puso ay mabilis na gumawa ng ibat’t ibang uri ng diyos-diyusan (rebulto, pera, tao, at sarili). Sabi nga ng isang manunulat, ang puso ay pabrika o pagawaan ng mga idolo. Kaya dapat natin itong ingatan. Ang paglagay ng unang utos sa ating kaisipan at pagbubulay-bulay nito ay mabisang paraan sa tulong ng banal na Espiritu upang hindi natin sambahin ang huwad na diyos (Acts 17:22–23).
Bilang Manlilikha, Tagapagligtas at Tunay na Diyos, siya lamang dapat ang makatanggap ng buong buhay na paglilingkod at buong pusong pagsunod mula sa Kanyang mga tao. Siya ay may awtoridad sa lahat ng Kanyang nilikha at ang buhay ng bawat isa ay para sa nag-iisang Diyos at PANGINOON lamang. Ang Diyos lamang ang tanging “object” ng ating pagsamba.
Kailangan mag-ingat din ang mga magulang sa pagpapalaki ng mga bata. Sila ay likas na nakatuon at umiibig lamang sa kanilang sarili. Kung hindi ito babantayan ay maaaring makapagpalaki tayo ng sumasamba sa diyos-diyosan.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.86. What does the first commandment teach you?
A. To worship the true God and him only. (Deuteronomy 6:13-14)
It is the LORD your God you shall fear. Him you shall serve and by his name you shall swear. You shall not go after other gods, the gods of the peoples who are around you.
Deuteronomy 6:13-14 ESV
Since there is only one God, He created us, and He alone can save us, He alone should be worshipped. Anything or person that we value more than God is an idol before Him. They are not the ones we should devote our worship and time to. Our hearts are quick to make different kinds of idols (statues, money, people, and self). As one writer puts it, the heart is a factory of idols. So we must take care of it. Putting the first commandment in our minds and meditating on it is an effective way with the help of the Holy Spirit to keep us from worshiping false gods (Acts 17: 22–23).
As the Creator, Savior and True God, He alone should receive lifelong service and wholehearted obedience from His people. He has authority over all of His creation and everyone’s life is must be lived for the one God and Lord alone. God alone is the only proper object of worship.
Parents also need to be careful about raising their children. They are naturally committed to themselves and they love nothing but themselves. If it is not guarded we may raise an idolater.
To God be the glory!
Note: This question is #85 in the Children’s Catechism