Ang katuruan tungkol sa Diyos at sa Banal na Trinidad ay napakahalaga para sa buhay ng isang Kristiyano. Kung may mali kang pananaw sa Diyos na iyong sinasamba ay maaaring itong tumungo sa pagsamba ng diyos-diyosan. Maaari niyong mapanood sa Truth in Focus ang kanilang serye mula sa ikalawang kapitulo ng 1689 London Baptist Confession of Faith: God and the Trinity.
Unang Bahagi – Tinalakay dito ang mga Katangian ng Diyos na sa Kanya lamang (Singularity and Self-existence).
Ikalawang Bahagi – Tinalakay din dito ang ilan pang Katangian ng Diyos na sa Kanya lamang (Incomprehensibility, Spirituality, Immortality, Infinity, Omniscience, Omnipotence, Omnipresence, Holiness etc.).
Ikatlong Bahagi – Ito naman ay tungkol sa pagiging Soberano ng Diyos at ilan pang mga katangian (Mercy, Love, long-suffering, Justice etc).
Ikaapat na Bahagi – Sa bahaging ito, ipinakita ang ganap na control, kaalaman at pagkaunawa ng Diyos sa lahat ng bagay. Kasama din dito ang pagtalakay sa Banal na Trinidad at mga paglilinaw sa pagka-Diyos ng bawat Persona.
Ikalimang Bahagi – Dito naman ay sinagot ang ilang mga pagsalungat patungkol sa Doktrina ng Banal na Trinidad.
Ikaanim ng Bahagi – Sa huling bahagi ay ang paglalapat at ilang praktikal na kahalagahan ng pagkauna sa katangian ng Diyos. Pinakita din nila ang mga halimbawa ng maling pagkaunawa sa Diyos (false analogies, cults, etc).
Sa Diyos ang Papuri!
May God use this resource to equip others on the Trinity!
LikeLiked by 1 person
Amen.
LikeLiked by 1 person
And amen!
LikeLiked by 1 person