Paano makinig ng Sermon? Part 3


Ilawan sa aking mga paa ang salita mo, at liwanag sa landas ko.

Psa 119:105 ABAB

Tunay na mahalaga ang mga dapat gawin bago makinig ng sermon, kung saan ang masigasig na pananalangin o ‘diligent prayer’, praktikal na paghahanda o ‘practical preparation’, at tapat na pagsisisi o ‘sincere repentance’ ay kinakailangan para lubusang makinabang dito. Importante din kung paano tayo nakikinig habang nangangaral ang ating pastor, kung saan nararapat na tayo ay makinig nang agresibo o ‘aggressively’, may paggalang o ‘reverently’, at may pananampalataya o ‘believingly’. Ngunit hindi riyan natatapos ang ating responsibilidad, mahalaga din kung paano natin isinasabuhay ang bawat hamon ng sermon pagkatapos natin ito pakinggan.

Mayroong tatlong paraan para gawin ito: Pray, Ponder, & Practice.

Pray


Manalangin tayo. Kung inuumpishan ang pakikinig sa panalangin, tinatapos dapat natin ito sa panalangin din. Manalangin sa paggawa ng Banal na Espiritu na selyohan, isulat at itatak sa ating puso at isipan ang Salita ng Diyos, upang hindi ito maagaw ng Diyablo. Si Satanas ay mabilis makaamoy ng samyo ng Salita ng Diyos, alam niya kung ano ang higit na kapaki-pakinabang sa ipinangaral ng pastor o preacher, kaya kailangan ng pananalangin para ito ay tumagos sa puso ng mga nakikinig, at maging sa’yo din.

Kagaya ng sinabi ni Spurgeon, “Come from your knees to the sermon, and come from the sermon to your knees.” Manalangin na pagpalain ng Diyos ang Salita, na itanim Niya ang Salita sa bawat puso na nahasikan nito. Idalangin mo ito nang sa gayon lahat ay maging ‘doer of the Word, not hearers only.’ Ilang pagkakataon na ba kung saan nagkaroon ka ng kapasyahang magbago habang nakikinig ng sermon at pagkatapos ay makalimutan na ito. Satan may have robbed you of it. So pray that the Spirit may apply it in your hearts.

Ponder


Pagbulay-bulayan ang Salitang napakinggan. Intentionally engage your minds and reflect on the Word preached. Sinabi ni Pablo sa Phil 4:8-9 na lagi ninyong isaisip anumang bagay na totoo, anumang bagay na kagalang-galang, anumang bagay na matuwid, anumang bagay na malinis, anumang bagay na kaibig-ibig, anumang bagay na kapuri-puri, kung mayroong anumang kagalingan, at kung may anumang nararapat papurihan. Iyan ang mga larawan ng Salita ng Diyos. Wag kang mag-atubili na isipin ang mga alalahanin sa buhay.

Sinabi sa Heb 2:1 na pag-ukulan ng higit na pansin o panghawakang mabuti (MBB) ang ating narinig. Bakit? Dahil baka tayo’y matangay na papalayo.

Practical steps:

Magsulat sa iyong ‘journal’ para mabalikan mo ang iyong napakinggan. Hindi para may maisulat lang kundi upang mapagbulayan sa iyong ‘personal devotion’ o ‘quiet time’. Talakayin ito habang kumakain sa hapag-kainan o magtanong pagkatapos ng sermon para sa karagdagang pagpapaliwanag. The responsibility of the hearer goes beyond the sermon. Alam natin na sa Mga Kawikaan 27:17 sinabi na ‘iron sharpens iron.‘ Kaya kung pag-uusapan ito pagkatapos ng sermon ay pinapatalas natin ang ating isipan. Mag-isip ng mga praktikal na aplikasyon na hindi natalakay ng pastor. Maaaring limitado ang naibigay ng pastor, kaya mainam na pag-isipan mo din kung paano ito isasabuhay sa kalagayan mo ngayon, sa trabaho, sa pamilya, at sa tahanan.


Practice


Pagsasabuhay. This is the goal of the sermon. Masama ang tao sa ating panahon at madilim ang mundo na ating ginagalawan, ito ay implied sa Psalm 119:105. Kung wala kang Salita ng Diyos ay wala kang liwanag na gagabay sa iyo. Kaya kaikailangan ng pagbabago kung hinamon ka ng Salita ng Diyos. At Salita ng Diyos ay may kapangyarihang magligtas (James 1:21). Unless it prod us to live anew, we never profited from the Word.

May isang tao na sobra ang kagalakan pagkatapos makinig ng sermon at sobrang na-bless daw siya. Sabi pa niya sa isang kapatid, maganda ang sermon ni pastor, at bless na bless talaga siya. Dahil nga yung isang kapatid ay di nakadalo, hindi siya maka-relate sa sinabi ng nakapakinig. Nang tinanong niya yung taong na-bless daw na kung ano ba ang mensahe ni pastor, ang nasabi niya lang ay, “Ano nga ba yun? Nakalimutan ko eh. Tanungin mo na lang si pastor!”

Nakakalungkot ang ganyang pangyayari. Ang tanong ‘how would you know that you’ve been blessed?’ Are you more aware of your sin? Is Christ becoming more and more the center of your thoughts? O madalas ka pa rin dinadaig ng mga alalahanin ng mundong ito? Kung ikaw ay nabiyayaan, imposible na hindi mo ito maalala, di ba? Kahit yung major points lang o yung partikular na part ng mensahe na nangusap sa iyong kaluluwa. Are you now a better church man? Noon lagi kang nahuhuli, ngayon ay maaga na. Dati ikaw ay mabilis magtampo sa kapatiran, ngayon ay nang-e-encourage na. Are you becoming a better father, mother, or child? Noon ay palasagot sa magulang, ngayon ay may paggalang na. Noon ay magagalitin, ngayon ay may kahinahunan na.

Wag sana ‘goodbye Sunday sermon’ mula Lunes hanggang Sabado. God’s word is our lifetime companion. Tunay na pinagpala ka kung ikaw ay umuupo sa isang Iglesia kung saan pinangangaral nang matapat ang Salita ng Diyos. ‘Wag mo itong sayangin, sikapin mong maipamuhay ang mga mensahe sa biyaya at kapangyarihan ng Banal ng Espiritu. The world is dark, you need the light of the Word. And the gospel is indeed light to this dark world.

Masasabi mo ba ngayon na na-bless ka talaga sa mensahe noong linggo?

Sa Diyos ang Papuri!


Note: This post is based on our pastor’s sermon during our midweek service at Bella Vista Outreach.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

2 thoughts on “Paano makinig ng Sermon? Part 3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: