Paano makinig ng Sermon? Part 2

Natutunan natin noong nakaraang linggo kung ano ang mga mahahalagang gawin bago makinig ng sermon. Kailangan ng diligent prayer, practical preparation, at sincere repentance. Ngayon, tignan naman natin paano makinig during the sermon. We need to give all our might by the grace of God to listen aggressively, reverently, and believingly.

Aggressive listening

Isang nakakalungkot na realidad ngayon na may mga ilang tao na ginagawang sleeping pills ang preaching of the Word. Tila ba ang actual listening sa sermon is not worship. Ang pakikinig ng mensahe ay hindi parang nanonood ka lang ng palabas o movie kung saan bigla ka na lang nakakatulog. In preaching, our minds are not passive. Kailangan aktibo at agresibo tayo sa pakikinig. Ito ay tinatawag na active listening. Ito ay nangangailangan ng mental and intellectual sweat. Kailangan ng pagpupursigi at effort dito.

Hindi lang ang preacher kundi maging ang nakikinig ang nararapat na mag-effort upang makinabang ng lubusan sa mensahe. Hindi tayo nakikinig para ma-entertain kundi para luwalhatiin ang Diyos. How much effort do you put during the sermon? O baka nasanay ka nang nakaupo lang at hinihintay na lamang na matapos ito. Tumulong ka sa paghukay sa pagkuha ng ginto saiyong isipan, so together you are treasure hunting the word of God. Pero ang mainam dito ay hindi tayo nakikipaglaban sa bawat isa tulad ng mga treasure hunters. May bukal ng kayamanan sa Salita ng Diyos at we feast and share the Word with the people of God! Kaya nga naman ang mangangaral ang treasure guide. Ang Salita ay libren ipinapamahagi ngunit kailangan mong mag-exert ng effort to your benefit.

Sa Luke 19:47-48, sinabi na …all people were hanging on every word… Sila ay nakatuon sa pangangaral. Bukas ang mga mata at tainga, at inaabangan ang bawat punto ng preaching ng may pananabik. They were very attentive.

Sa pakikinig ng sermon tayo ay nakikipag-giyera. At ito ay hindi isang madaling labanan. Ang kaaway ay nasa loob din ng Iglesya, hindi para mag-benefit sa Word kundi upang nakaiwan ang naihasik sa mga taong hindi aktibong nakikinig. At alam niya kung ano ang beneficial sa sermon. Naranasan mo na ba na kapag andun na sa pinaka-meat ng sermon ay biglang may mga distraction? Biglang may papasok sa pinto, iiyak ang bata, may babagsak na bagay, may makikipag-usap na katabi mo o kaya naman may papasok na alalahanin sa iyong isip. Kaya dapat matutunan natin na i-ignore at i-dismiss aggressively ang anumang maaaring umagawa ng ating pansin.

Habang may nangangaral, sikapin nating mag-intercede. Ito ay tinatawag na ejaculatory prayers, mga quick prayers, maiksi at biglaang pagsamo sa Panginoon na tulungan ka sa pakikinig, upang ibaling ang iyong focus sa mensahe ng Salita ng Diyos. Dinadalangin mo rin ba ito?

Reverent listening

Kinakailangan ng labis na paggalang. Ganado ang ilan sa pag-aawitan o “praise and worship” pero pagdating sa pakikinig ng sermon ay walang lakas at paggalang. Tandaan mo na umuupo ka sa ilalim ng Salita ng Diyos gaya ng isang bata na nakikinig sa kanyang lolo. Di tayo nakikinig sa mensahe bilang mga hukom, kundi tayo ay nakikingi sa mensahe ng isang Hukom. Kaya hindi lamang opinyon ng mensahero ang sermon, at dapat mo itong igalang. Kasama ang kadakilaan ng Diyos sa bawat salitang binibitawan mula sa Kanyang malinaw na kapahayagan.

Kaya ang mga pastor ay sinisikap sa biyaya ng Diyos na mailahad ng matapat ang salita ng Diyos. Ang Hari ng mga hari ang nagsasalita. Sinabi ng isang manunulat na, “Ang tinig ay sa lupa ngunit ang Hari ay nasa langit.” Kaya nakakatatulong ang taking down of notes during the sermon. Nagpapakita ito na mahalaga sa iyo ang Salita ng Diyos, na nagdudulot sa iyo para isulat ito at namnamin ng maigi. Tinatanggap dapat natin ang salita ng may kaamuan na may kapangyarihang magligtas ng ating kaluluwa (James 1:21).

Tayo ay lumalapit sa Salita na tulad ng mga pulubi, gutom at uhaw sa Salita ng Diyos. Ang ebanghelyong napakinggan ay isang pagpapala ngunit maaaring maging sumpa. Ang pag-abuso sa Salita ay maaaring maging sumpa sa nakikinig dahil hindi siya nakikinig ng may paggalang. Kailangan ka huling nakinig na may tunay na pananabik dahil alam mo na ito ay mensahe ng isang Haring matayog at mataas na nasa Kanyang Trono?

Believing listening

We listen decisively. Hindi natin pinagdududahan ang Salita ng Diyos. Totoo, nararapat na ito ay ating pag-aralan ay siyasatin araw-araw ang mga kasulutan kung tunay nga ang mga bagay na ipinangaral tulad mga Berea (Acts 17:11), pero hindi ibig sabihan na mag-doubt tayo sa sermon? We do not treat God’s word as commodity (you choose which is God’s word and which is not) but as the directives from the King.

May mga taong nakikinig hindi upang makapulot ng kayamanan mula sa Salita ng Diyos na inilahad ng mangangaral ngunit upang punahin ang pagkakamali ng preachers. Totoo na nagkakamali sila, kaya kailangan na ipag-pray din natin na iiwas sila ng Banal na Espiritu sa pagkakamali, pero bilang mensahero ng Diyos at inatasang magdala ng Kanyang Salita para sa Kanyang mga tao dapat natin itong tanggapin ng may nagpapasakop na puso. Listen with a submissive heart. As you listen attentively to the Word, there must be an opening of the heart to receive what is preached to you.

Tanggapin natin ang mga pagtatama, babala, katuruan, at pangako. Hindi lang yung mga bagay na nais natin pakinggan.

So, when the gospel is preached, wag ka nang mangatuwiran pa, aminin mo ang kasalanan mo, tanggapin mo sa puso mo na wala kang magagagawa para mamuhay ng matuwid sa harapan ng Banal na Diyos, at magtiwala ka sa kasapatan ng katuwiran at dugo ni Hesu-Kristo na tanginng alay na tinanggap ng Ama na napatunayan sa Kanyang muling pagkabuhay. Ito lamang ang pag-asa mo kaibigan. Ito lang din ang pag-asa natin mga kapatid.

SOLI DEO GLORIA!


Note: This post is based on our pastor’s sermon during our midweek service at Bella Vista Outreach.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: