Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo nakikinig, sapagkat siyang mayroon ay lalo pang bibigyan at ang sinumang wala, pati na ang inaakala niyang nasa kanya ay kukunin.”
Lucas 8:18 ABAB
Pano makinig ng sermon?
Ang verse sa itaas ay conclusion ni Hesus sa Parable of the Sower. Sinabi sa verse 15 “...at ang nahulog sa mabuting lupa ay sila na pagkatapos marinig ang salita ay iningatan ito sa isang tapat at mabuting puso at nagbubunga na maypagtitiyaga.” Kaya sa verse 18 sinundan ng warning na, “Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo nakikinig“. Ito ay dahil may mga taong nakikinig na hindi nag-iingat, kaya’t ang Word of God ay walang bunga sa kanilang buhay. Pag-aralan natin ngayon kung papaano ba dapat tayo makinig ng sermon.
May mga nakapakinig ng parehas na sermon, yung ilan ay nakatanggap ng biyaya ngunit ang iba ay hindi. Upang mag-benefit sa mensahe ng Diyos, mahalaga ang maingat na pakikinig. Ikaw, paano mo pinaghahandaan ang pakikinig ng Salita ng Diyos? Paano ka nakikinig sa message na pinapangaral? At ano ang ginagawa mo pagkatapos mong makinig nito? Tignan natin paano ba makinig ng sermon before, during and after. Ating talakayin ngayon ang mga dapat nating i-consider bago tayo makinig ng sermon: How to hear the Word before the sermon.
We need to prepare ourselves before listening to a sermon to gain great benefit from it.
Diligent prayer
Bago tayo makinig ng sermon, nararapat na ipag-pray natin ang mga makikinig at ang preacher. Kung i-apply natin ang Psalm 127:1 sa sermon, ibig sabihin malibang kumilos ang Diyos ay balewala ang pangangaral. Let us plead to God to bless the messenger, the message, and the hearers.
Magmakaawa tayo sa Diyos para sa ating family, children, visitors, and maging members ng church. Sinabi sa Ephesians 6:18 na Manalangin kayo sa Espiritu sa lahat ng panahon sa bawat panalangin at pagsamo... Young people, kailan ka huling nanalangin na ang iyong magulang ay magbenefit sa sermon? Husbands, when was the last time that you prayed for your children? Saints, when was the last time that your prayed for the regular attenders?
Nawa gawin natin ito hindi lamang sa araw ng linggo kundi maging sa mga araw bago ang pagsamba sa Diyos bilang isa sa mga items ng ating daily prayer. Isama din natin sa prayer na pagkalooban tayo ng mga visitors na makikinig sa sermon. Nagawa na ba natin ‘yan?
Ipag-pray din natin ang mga on and off attenders. Na nawa ay hindi sila mahandlangan sa pagdalo at pagkikinig ng sermon. Kung di natin ito bibigyan ng pansin araw-araw, the same lang ang ating prayers, puro sa health (though there is nothing wrong dito), lalo kung puro material needs. Nagiging selfish na tayo niyan sa prayers. So we pray for specific people, spouse, children, and visitors.
Pray for specific things. Pag-pray din natin ang mga depressed, discouraged, living in sin, and salvation of sinners. Baka may kailangan ng encouragement or merong namumuhay sa kasalanan na need ng rebuke from the word.
Pray for the preacher as well. Ang preachers ay mga Christians din. Hindi sila super-Christians. Hindi natin alam may mga struggles din ang mangangaral ng Diyos, na sila mismo ay makasumpong ng biyaya mula sa message na kanyang ipapangaral. Maging si Pablo ay hiniling na ipanalangin din sila (2 Thess 2:1).
We pray expectantly. Wag natin pagdudahan ang Diyos sa ating pananalangin. Nakitingin tayo sa Kanyang katapatan anticipating His powerful work to cause revival in our church and in other places (Luke 11:9-10).
Kaya bago mag-umpisa ang panambahan, hindi na dapat i-spend ito sa pakikipagkwentuhan. Ang ilan, 5 minutes bago ang worship service ay nagku-kwentuhan pa na para bang nanonood ng basketball game. Ang pagpasok sa presence ng Diyos ay kailangan ng paghahanda.
Practical preparation
We dress ourselves for the Sabbath. Saturday night pa lamang, mainam na nakahanda na ang mga gagamitin sa Sunday. As much as possible, we should minimize ang mga responsibilities o dapat nating gawin. We should minimize workloads during Sunday. May ilan na Saturday evening palang ay nailuto na ang kakainin para sa Sunday.
Nakakalungkot, pero may ilan na isinisingit pa ang paglalaba sa Sunday morning. May ilan naman na kahit Christian na nagmo-movie marathon sa Saturday evening at napupuyat na. Kaya kinabukasan wala na ang focus sa pakikinig ng Word of God. Kung meron mang invitation sa araw ng Saturday at mapupuyat ka lang, isang karunungan na wag na itong tanggapin lalo na kung malayo pa ang lugar.
Nawa ito’y ating i-consider ng seryoso nang sa gayon ay puso nalang natin ang ating aatupagin sa Araw ng Panginoon. If we are convinced how important the Lord’s day is, we must guard our Saturday night. Ang mga tatay higit sa lahat ay dapat na siguraduhin na makakarating ang buong family sa Church during Sundays on time, kung maaari ay mas maaga pa.
Sincere repentance
Kung tayo man ay may mga pagkukulang or shortcomings during the week, we need to confess our sins. We cannot come to the LORD’s presence like hypocrites. Saturday night palang atin nang siyasatin ang ating mga puso. Kung may nasaktan man, tayo ay makipagkasundo sa biyaya ng Diyos. Sa 1 Peter 2:1-2, tinukoy ni Pedro na bago paman lumapit sa Panginoon (v.4) ay nararapat nating iwaksi ang lahat ng kasamaan, pandaraya, pagkukunwari, inggitan, at lahat ng paninirang puri. Meron dapat tayong personal examination. Ipahayag natin ang ating kasalanan at humingi sa Diyos ng sariwang biyaya.
Kung nag-away man o may hindi napagkasunduan ang mag-asawa, hindi pwedeng pumunta sa church ng hindi nagkikibuan o hindi ito naaayos. Higit pa riyan, hindi din ito pwede maging dahilan upang hindi na pumunta ng church. We must seek to be reconciled with each other. Confess your sins to your spouses.
There should be a desire to listen sincerely (v.2). Kung malamig ang ating puso, hilingin natin ang spiritual appetite mula sa Panginoon. Hindi tayo laging nasa heights ng ating spirituality, so we must mortify (kill sin) and vivify (make the spirit alive). We must come with spiritual hunger and thirst. We should not be coming unprepared to the LORD’s sanctuary. ‘Wag sana natin maging habit na hindi tayo handa sa panambahan, na para bang merong “switch” to turn on “worship mode” during Sundays.
Nawa ang puso natin ay maging mataba para tumanggap ng paghahasik ng Salita ng Panginoon. Handa ka na ba o naghahanda ka ba ngayon pa lang para sa araw ng Pagsamba sa Sunday?
SOLI DEO GLORIA!
Note: This post is based on our pastor’s sermon during our midweek service at Bella Vista Outreach.