Ang Araw ng Panginoon

O Panginoon, Aking Panginoon,
Ito ay Iyong Araw,
ang banal na kautusan ng pamamahinga,
ang bukas na daan ng pagsamba,
ang ulat ng pagkabuhay na muli ni Jesus, a
ng tanda ng Sabbath na darating,
ang araw kung kailan ang mga banal
na lumalaban pa at yaong tagumpay na
ay nagkakaisa sa awit na walang hanggan.

Pinupuri Kita alang-alang
sa trono ng biyaya,
na dito’y umiiral kabaitang walang bayad;
na ang bukás na daa’y sa pamamagitan
ng dugo ni Jesus;
na tabing ay napunit na at ako na’y maaaring
makapasok sa kabanal-banalan
at doon Ika’y matagpuan na
handang makinig; naghihintay
na maging mapagbiyaya; nag-aanyayang
ibuhos ko sa Iyo aking mga kailangan,
hinihikayat mga hangarin ko,
nangangakong magbigay nang higit
kaysa hinihingi ko’t iniisip.

Ngunit habang nagpupuri ako sa Iyo,
kahihiya’t kaguluhan ang sumasaakin:
Naaalala ko nakaraang maling gamit
ng banal Mong mga bagay,

ang walang pitagang pagsamba,
ang karumal-dumal na kawalang-pasalamat,
ang malamig at walang-siglang papuri.

Wisikan lahat ng aking mga Sabbath
ng dumadalisay na dugo ni Jesus,
at nawa ang araw na ito’y makasaksi
ng malalim na pagbuti sa akin.
Bigyan ako nang sagana
ng mga pagpapala
na siyang layuning igawad
ng Araw ng Panginoon;

Nawa aking puso ay maging
matatag laban sa mga isipin
o alalahaning makasanlibutan;
Paapawan aking isip ng kapayapaang
higit sa pang-unawa;
nawa maging matamis aking pagninilay,
mga gawa ng pagsamba’y maging aking buhay,
kalayaan, kagalakan,
ang aking inumi’y ang mga bukal
na dumadaloy mula sa Iyong luklukan,
ang aking pagkai’y ang mamahaling Salita,
ang aking tanggula’y ang kalasag ng
pananampalataya,
at nawa aking puso’y lalo pang
mapalakip kay Jesus.

SOLI DEO GLORIA!


Salin ni Ptr. Romeo H. Endaya ng “The Lord’s Day” Arthur Bennett; The Valley Of Vision

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: