Ang Tunay na Kasagutan sa Iyong Malubhang Kalungkutan

Ikaw ba’y lubhang balisa at nabibigatan sa iyong problema? Naisip mo ba na wala na’ng kabuluhan ang iyong buhay, o sumagi na sa isip mo’ng wakasan na ito?

Sa isang ulat noong Marso 2018: Ayon sa mga eksperto sa mental health, tumataas ang bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay sa’ting bansa – na kilala sa pagiging relihiyoso at masayahin, at mayroong mahigit 100 milyong katao!

Ayon sa bilang, anim (6) o higit pa ang nagpapakamatay araw-araw. Bukod pa rito ang mga hindi pa naitala. Isa sa mga karaniwang naguudyok nito ay kabalisahan (stress), at lubhang kalungkutan (depression).

Maaari itong mangyari sa lahat ng tao – mula sa isang mag-aaral, OFWs, hanggang sa simpleng mamamayan. At higit sa lahat, maaari itong mangyari sayo. Ito ay isang seryosong bagay na dapat bigyang pansin, sapagkat hindi lamang katawan natin ang nakasalalay dito, kundi maging ang ating mga kaluluwa.


Ngunit, maaaring sabihin ng ibang tao ay “Kalimutan mo na yan! Lilipas rin yan!”, “Ang hina mo naman.” o kaya’y “Nababaliw ka lang siguro” at tiyak na hindi ito makatutulong sayo. Maaari mo ring maisip na magpunta sa isang dalubisip (psychologist) o sa doktor upang magpatingin sa iyong kalagayan.

Ngunit sapat ba ang kasagutang maibibigay ng mga ito? 

Tamang-tama, kaibigan, sapagkat sa iyong nararanasang mga kalungkuta’t pagdurusa, ay may nakalaang kasagutan ang Diyos ng Bibliya. Handa ka na ba?

1. Nagpahayag ang Diyos ng Bibliya bilang Diyos ng Habag at Kaaliwan
Ang Salita ng Diyos ay nagpapahayag ng kanyang sarili sa atin. Bilang Diyos ng Tipan, nagpakilala Siya na “…puspos ng kahabagan at mapagpala, hindi magagalitin, at sagana sa wagas na pag-ibig at katapatan.” (Exo. 34:6). Siya rin ay nagtatanggol sa mga api at dukha (Awit 82:3). Sa bawat pagdaing ng mga tao sa kanilang pagdurusa, ay patuloy Siyang nagpapakilala bilang “Ama ng mga kaawaan at Diyos ng lahat ng kaaliwan; na umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian” (2Cor 1:3b,4a). At ang kaaliwan at kahabagan ng ating Diyos ay ‘di nagbabago.

2. Nasasalamin ng Ating Pagdurusa ang Nilalaman ng Ating Puso
At dahil sa hindi Siya ay ‘di nagbabago, sinasalamin ng Kanyang katangian ang pagbabagong buhat sa tao. Nagbago ang lahat no’ng nagsimula ang paghihiwalay ng tao at ang Diyos buhat ng kasalanan (Gen 3:23-24). Dito nagsimula ang pagdurusa ng tao – sa paggawa, sa pamilya, sa kapatid, sa kapwa, at maging sa sarili. Naging bahagi na ito ng buhay ng tao – na nasa plano ng Diyos. Ngunit papano nasasalamin ang ating puso? Una, may pagdurusa na nagsisilbing gabay upang makita ang ating kakulangan at bumalik tayo sa Diyos. Ngunit ang pangalawa ang tunay sa atin: Dahil ‘di natin makita ang kaaliwang nasa Diyos sa ating mga pagdurusa, ni ang magpasalamat man (Roma 1:21), ay mas pinili nating hamakin ang Diyos. Kaya’t bilang Diyos ng hustisya, ay napopoot Siya sa atin, at walang makatatakas dito – pagkat nasasalamin sa ating puso ang sukdulang karumhan at magkamakasarili.

3. Si Jesu Cristo ay kagaya rin natin – Isang Taong Nagdurusa.

Maaari mong sabihin, “Hindi niya nauunawaan ang kalagayan ko!” o kaya’y “Napakalupit naman Niya!” Ngunit ang poot at pag-ibig ng Diyos at nagtagpo sa krus, dahil sa kanyang anak na si Jesu-Cristo. Siya’t tinaguriang “isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan.” (Isa 53:3) Siya ang ating tagapamagitan “na marunong makiramay sa ating mga kahinaan, isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin, gayun ma’y walang kasalanan.” (Heb 4:15)

Tiniis ni Cristo ang paghihirap upang tayo’y maligtas sa walang hanggang pagdurusa!

Kaya’t sa nararanasan mong pagdurusa’t kalungkutan ngayon, kaibigan, ay marubdob ang paanyaya ng Diyos: “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.” (Mat 11:28) Ito ay tunay, walang bayad, at Siya’y handang makinig sa iyo anumang oras.

Sa Diyos ang papuri!


*Ito ay orihinal na akda ni Manong Emman (Emmanuel Tamargo) ng Salin-Lahi Project.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: