Isang Panalanging Cristiano

Pinagpalang Diyos,

Laksang mga patibong ay akin, sa labas at sa loob,
ipagtanggol Mo ako;
Kung agawin ng katamara’t pagkabatugan,
bigyan Mo ako ng tanawin ng langit;
Kung akitin ako ng mga makasalanan,
bigyan ako ng pagtanggi sa kanilang mga gawi;
tuksuin ako ng makalamang pagnanasa,
linisin at dalisayin Mo ako;
kung mag-asam ako ng makamundong yaman,
tulungan Mo akong maging mayaman sa’yo.

Kung binibitag ako ng mga bagay sa mundong ito,
nawa’y ‘di ako mabaon sa panibagong kasalana’t pagkawasak.

Maalala ko nawa ang dangal ng espirituwal kong paglaya,
hindi maging lubos na abala upang tugunan ang kalul’wa ko,
hindi maging lulong sa kasalukuyan
at pabayaan ang mga bagay na pangwalang-hanggan;
Kaya, nawa’y ‘di lamang ako mabuhay,
bagkus ay lumago patungo sa’yo.

Anyuin Mo ang isipan ko sa tamang pananaw ng relihiyon,
upang ‘di ko hatulan ang biyaya nang may maling unawa,
ni sukatin ang aking pag-unlad gamit ang likas kong mga pagsisikap.

Masumpungan ko nawa ang dumaragdag na dakilang pag-ibig sa’yo,
ang buong pagsuko sa kalooban Mo,
ang malawak na pagbukas-palad sa kapwa ko nilalang,
ang tiyaga’t panindigan ng kalul’wa,
ang paniniwalang makalangit
ang alintanang malugod Kita sa madla at sa tagó kong buhay.

Iguhit Mo sa kalul’wa ko ang katangian ni Cristo,
kung saan malulugod Ka,
‘Pagkat ako’y gawa Mong pinakamahusay,
nilikha kay Cristo Jesus,
sinulat Mong liham sa panulat ng Banal na Espiritu,
lupa Mong binungkal na handa sa paghahasik,
matapos ay anihan.

Amen.

SOLI DEO GLORIA!


Repost from the Modern Pilgrim’s Ang Salinlahi Project: A Tagalog translation of the Valley of Vision (Libis ng Pangitain) : A Collection of Puritan Prayers and Devotions by Arthur Bennett – Isang Panalanging Cristiano

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

2 thoughts on “Isang Panalanging Cristiano

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: