Ang Kadakilaan ng Ebanghelyo

Ang krus ang pinakadakilang kapahayagan ng katuwiran at pag-ibig ng Diyos.

(For our English-speaking readers, this is a tagalog translation of Paul Washer’s reflection and commentary on a quotation from old ministers which you can watch from the video below).

Ang sipiin na ito ay salin ng mga salita ni William Bates mula sa The harmony of the divine attributes in the contrivance and accomplishment of man’s redemption by the Lord Jesus Christ:

Sinaysay  ni Apostol Pablo na ang ministeryo ng ating katubusan ay nagtataglay ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at kaalaman (Col 2:3). Upang ipaunawà ang kanilang kamahalan at kasaganaan, ang di malirip na kayamanan ng biyaya ay inilagay dito.  Ito ang umuukupa sa kaisapan ng mga anghel sa langit. 
Mayroong hindi mabilang na pagkakaibá't ibá at walang hanggang kadahilanan para sa pagbusisi ng bagay na ito tungo sa pinakamainam na pagkaunawa. Walang anumang nilikhang kaisipan ang makaka-abót sa tayog at makakatuklas sa lalim nito.
Sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pagtuklas ng kalaliman nito. Ang kaisipan ay nagagalak sa nagpapatuloy na kaaliwan na lubusang humihigit sa maikling kaaliwan ng makalaman na ligayà.

Ito naman ang mga paliwanag ni Paul Washer sa tagalog na salin:

Hindi mahalaga kung ikaw ay isang apologist, ebanghelista, o mangangaral. Ang mahalaga ay ang layunin ng lahat ng iyong ginagawa ay nararapat na matagpuan kay Hesu-Kristo, lahat ng iyong ginagawa mo ay kailangan na ituro ang ang sarili mo at ang mga tao tungo sa Kanya lamang. 
Anumang karunungan mayroon sa mundo ay hindi maikukumpara sa hindi-malirip na karunungang naipamalas sa maluwalhating mensahe ng mabuting balita. 

Maaaring magkaroon tayo ng kaalaman na sapat para sa ating kaligtasan at sapat upang tayo ay patuloy na mabago tungo sa wangis ni Kristo, ngunit kailanman ay hindi natin lubusang mauunawaan ang karunungan ng Diyos na naipamalas sa ebanghelyo. Kahit gaano kana katagal na Kristiyano o mangangaral, hindi mo maaarok ang lalim nito.
Kung sinasabi mo na ikaw ay kristiyano at sawá ka nang marinig ang ebanghelyo, ito ay patunay na hindi mo naunawaan ang kayamanan nito.  Kung sinasabi mo na "ayaw ko ng doktrina, ang nais ko ay ang Diyos, ayaw ko ng teolohiya, nais ko si Kristo." Ikaw ay hangal sa ebanghelyo!
Ang pangunahin nating trabaho ay hindi maging politician, administrator or engineer, kundi magbulay at buong tiyagang siyasatin ang Dakilang Aklat. 

Kung ikaw naman ay mangangaral at naggugugol ka lamang ng maikling oras sa pag-aaral nito, mabilisang isinusulat ang katotohanan, minamadaling matapos ang kabuuan, at walang sapat na panahon sa pagbubulay ng Salita ng Diyos sa iyong puso't isipan, dapat mong malaman na iyan ay pagtataksil sa iyong pagkatawag. Sabihin mo man na abala ka sa ilang church activities or secular work, ang pagkatawag mo ay napakatayog at wala kang maidadahilan. Ikaw ay tinawag upang ipamalas sa mga tao ng Diyos ang walang hanggang kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay nangangailangan ng matagal na pag-aaral. Nararapat kang mag-aral ng malalim at tunay upang ikaw ay makapangaral ng may pag-big sa kanila.

Karamihan sa mga mananampalataya ay walang motibasyon o hindi naglilinang ng pagpapahalaga sa walang hanggang kaluwalhatian ng Ebanghelyo dahil sa Iglesia, at dahil sa mga mangangaral nito. Hindi ipinapahayag ng mga tagapamalita si Kristo sa harapan ng mga tao. Hindi handa ang mga miyembro na kumain ng tunay na pagkain dahil sa kabiguan ng tagapagsalita na ilahad ang kabuuang Salita ng Diyos. Hindi nila namasdan ang kaluwalhatian ng Diyos kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu mula sa Banal na Aklat dahil sa kakulangan ng mga mangangaral.

Kailangan ng iglesia ang mensahero ng Diyos na nag-aaral sa paanan ni Hesus at ng Kanyang kaluwalhatian, at nagpapakilala kay Kristo sa kanila.

Kailangan mong matunanan na linangin ang pagpapahalaga sa Ebanghelyo. Magagawa mo ito sa pagbabasa ng mga lumang aklat, upang ikaw ay mas makatikim at makatuklas ng katotohanan ng ipinako at muling-nabuhay na Kristo

Maari mong panoorin ang video dito mula sa Youtube Channel ng HeartCry Missionary:

Kung ikaw ay isang mangangaral, nawa ay iyong isang tabi ang pansamantala at lumilipas para sa walang hanggang kayamanan na matatagpuan lamang sa ebanghelyo ni Hesu-Kristo.

Papuri sa Diyos!


Ito ay salin mula sa Looking unto Jesus: Reflections on Quotes from the Past: The Greatness of The Gospel Ep. 25 ni Paul Washer.

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

3 thoughts on “Ang Kadakilaan ng Ebanghelyo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: