Ang Kasapatan ko’y kay Kristo

…lalo na dahil sa kalabisan ng mga pahayag. Kaya’t upang ako’y huwag magyabang ng labis, binigyan ako ng isang tinik sa laman, isang sugo ni Satanas upang ako’y saktan, upang ako’y huwag magmalaki ng labis. Tatlong ulit akong nanalangin sa Panginoon tungkol dito na lumayo sana ito sa akin. Subalit sinabi niya sa akin, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.” Ako’y lalong magmamalaki na may galak sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manatili sa akin.”

II MGA TAGA CORINTO 12:7-9 ABAB

Dito sa pananalita ni Apostol Pablo, ipinakita sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya nakikita dito sa lupa, ito’y mga maka langit na bagay. Upang hindi siya magmalaki sa kanyang sarili, ibang tao ang tinukoy niya na kanyang kakilala. Gayonpaman, siya ang taong iyon.

Upang lalo pa siyang hindi magyabang, binigyan pa siya ng tinik sa laman. Maraming nagsasabi na literal na tinik daw iyon, ngunit hindi sinabi ng Biblia kung anong uri ng tinik iyon. Tatlong ulit niyang idinalangin sa Diyos na tanggalin ito, ngunit ang sagot ng Diyos sa kanya ay, “Ang biyaya ko ay sapat na sa iyo.”

Ipinapakita lamang sa ating mga mananampalataya na huwag tayong magmayabang sa ating sarili. Kahit anumang tagumpay man ang narating o mararating natin. Pinapakita din sa atin ng talata na ito na huwag tayong magtiwala sa ating mga sarili. Dapat tayong magtiwala sa ating Diyos. Kahit saang aspeto ng ating buhay ay dapat ipagkatiwala natin ito sa Diyos.

Ipinapakita rin dito na huwag tayong bumitaw sa ating pagtitiwala sa Kanya kahit isang sigundo man ng ating buhay. Sapagkat ang biyaya ng Diyos ay sapat lamang sa kanyang mga tao upang hindi tayo magmapuri sa ating sarili. Ang nangyari kay apostol Pablo nang ipinakita sa kanya ng Diyos ang isang pangitain na makalangit ay isang mataas na tagumpay sa buhay maging sa ministeryo niya.

Ang talatang ito ay laging nagpapaalaala na kahit sinuman ay walang maipagmamalaki. May  kahinaan ka man o wala, may kapansanan o normal ka man, wala kang maipagmamalaki.

May kakilala akong isang tao, iniisip niya kung bakit siya may kapansanan. Ang kapansanan naman niya ay hindi tulad ng iba.

Noong nalaman niya na pwedeng maayos or magamot ang kapansanan niya, inisip niya na gawin iyon, kaso may kamahalan talaga. Minsan naman gumagamit siya ng mga vitamina para sa kapansanan niya pero parang wala naman nangyayari. Ang isa nalang niyang tinitingnan ay maipagamot ito sa Doctor.

Bigla niyang naisip na paano nga kung maging magaling na siya at normal, baka maging mayabang siya. Laging sumisingit sa isipan niya ang sinabi ng Diyos kay Apostol Pablo noong binigyan siya ng tinik sa laman, “Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo, sapagkat ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan.”

Kaya lalo siyang napaisip na baka maging mayabang siya kapag normal na ang kalagayan niya. Kayat nasabi niya sa kanyang sarili na, “nanaisin ko pang maging ganito upang maalaala niyang tuwina ang kasapatan ng biyaya ng Diyos, at laging magpaalala na wala akong maipagmamalaki.

Ang sabi pa niya, “ang kapansanan ko ay laging magpapaalala sa aking ng aking kahinaan at gagamitin ko upang luwalhatiin ko ang Aking Diyos dahil ang aking kalakasan ay si Kristo lamang.”

Hindi ito naging hadlang, o magiging dahilan man para mahiya siya sa mga tao, sapagkat ito’y bigay sa kanya ng Diyos upang ang kapangyarihan ni Hesu-Kristo ay maipamalas at manatili sa kanya. Sa katapus-tapusan, ito din ay upang ipagmalaki niya ang Diyos na kumikilos sa buhay niya sa kabila ng kanyang kahinaan.

Kung paanong ang Diyos ay nagpakumbaba upang tayo ay abutin, nang Siya ay nagkatawang-tao, namuhay nang matuwid, namatay sa krus, nagpadanak ng Kanyang dugo, at nabuhay muli sa ikatlong araw, para sa kapatawaran ng mga makasalanang nagtitiwala sa Kanya, dapat ganoon din ang kanyang mga mananampalataya. Tayo ay dapat na makitaan ng kababaang-loob.

Ikaw, ano ang kahinaan mo na nagpapakita ng iyong lubusang pagtitiwala kay Kristo at nagdudulot sa iyo na mas luwalhatiin pa ang Diyos?

Sa Diyos lamang ang papuri!


Ang cover photo ay galing kay hpuppet mula sa Pixabay.com

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: