Oh kaibigan, bukambibig mo ba’y pagmamalakí?
Kalakíp ng ‘yong pamumuhay at nasa ‘yong tabí?
‘Yan ay kasalanan, Kasulatan ay nagsasabi!
D’ya’y mapalaya nawâ at si Kristo’y makawangis.
Sa ‘yong bumabaluktot ng sariling kasarian,
‘Di mo ba tanggap ang itinakdang katotohanan?
Nilikha kang may dangal, ayon sa Kanyang larawan,
H’wag nawang sirain ibinigay na kagandahan.
H’wag mo sanang isiping ito ay diskriminasyon
Kundi katotohanan sa sekswal na oryentasyon
Pagpapalit-kasarian hayag man o patagô
Na laban sa paglikha ng Diyos na nagdisenyo.
Tuwina’y isinisigaw, hiling ay pagrespeto,
Tayo ay kapwa tao at hindi mga insekto.
Ngunit iyong hinihiling na ikaw ay hayaan,
Sa isipang mahalay na s’ya mo ring kasiraan.
Ngunit sinasabi mo, ‘dito kami liligaya!’
Lalaki sa kapwa lalaki ang nagpapasasà.
Babae ay babae rin ang kanyang ninanasà.
Dapat sanang matigil na ang pagkapariwarâ!
Ngunit sinasabi mo, ‘Pag-ibig ay magwawagî!’
Sa katotohanan, kabuktutan ibinubunyî.
Hindi ganyan ang pag-ibig, iyan ay kasalanan.
Tanging kay Kristo lamang, ikaw ay mahuhugasan.
Watawat na sari-saring kulay winawagayway,
Ngayo’y palatandaang sa kat’wiran ay nawalay.
Na totoong sagisag ng Tipan na ibinigay,
Masagip ka nawâ sa walang-hanggang pagkawalay!
Dala ng kasalanan, pagmamalaki ay salot,
Si Kristo ay dumating, dugo Niya ay nabuhos-
Para sa kanilang tumatawag sa Kanyang Ngalan.
Sa kanya ika’y lumapit, pag-ibig mananahan!
Nasaktan man ang ‘yong damdamin, ito’y batid namin.
Gamot man ay mapait, sa ‘yo ring ikagágalíng!
Pagsisihan at talikdan ang iyong kalayawan.
Kay Kristo ka lumapit, tamuhín kadalisayan!
Ibihis mo Kanyang kat’wiran, lubos kang madamtan,
Sa dugo Niyang nabuhos, tunay kang mahugasan-
Kordero Syang pinaslang para sa makasalanan,
S’ya ngayo’y naghahari, sumuko ka at manangan!
Ito ay isinalin ni Lorenzo Tating Jr. mula sa tulang Pride and Perversion ni Jeff Chavez