Panginoong Banal,
Anong liit ng pagsisi ang mayro’n sa mundong ito,
at anong dami ng mga kasalanang pagsisisihan ko!
Nababagabag ako sa ‘king makasalanang pagnanasa,
sa kahihiya’t sindak nito bilang kasamaan;
Layon kong ‘di na muling madala nito,
at sa gayo’y lumapit sa ‘Yong kalakasan.
Maraming tao ang madalas ibulalas ang galit,
at silang nadadaig nito,
na dulot ay pagdadahila’t pagbabawas ng paglubha nito,
na ito’y nangyayari nang daglian,
na ‘di sila nagagalak,
na pinagsisisihan nila pagkatapos,
na maging mga banal ay nakagagawa nito.
Gayo’y hinahanap nila ang kapayapaan,
matapos ang pagbugso ng mga nasa,
sa paglimot nila nang tuluyan,
O kaya’y sa pagtuklap ng sugat, sila’y umaasa ng paghilom
na walang kapayapaan sa dugo ni Cristo.
Panginoong Diyos, nalalaman kong ang biglang galit ko’y lumilitaw
kung sumasalungat sa ‘kin ang mga bagay,
at ninanais na lugurin lamang ang sarili, hindi si Cristo;
Sa lahat ng kamalia’t pasanin, ay may ibayong pagsasalungat,
silang sumasalungat sa’kin, at silang sumasalungat sa ‘Yo;
Sa lahat ng mabubuting bagay,
mayro’ng nakalulugod sakin, at mayro’ng nakalulugod sa ‘Yo;
Kasalanan ko’y ang puso kong nalulugod o nababalisa
habang ako’y nilulugod o binabalisa ng mga bagay na ito,
nang walang pagsaalang-alang kay Cristo;
Kaya naman, ako’y gaya ni Eli,
sasailalim sa kaparusahan sa ‘di pagsaway sa kasalanan;
yamang dapat kong mapagkumbabang ipahayag ang aking sala
at liparin patungo sa dugo ni Cristo sa kapatawara’t kapayapaan.
Sa gayon, ay bigyan Mo ako ng pagsisisi,
tunay na pagkawasak,
at bagbag na magtatagal,
‘pagkat sa mga bagay na ito’y ‘di Mo ako itatakwil,
sa kabila ng aking kasalanan.
Amen.
SOLI DEO GLORIA!
Repost from the Modern Pilgrim’s Ang Salinlahi Project: A Tagalog translation of the Valley of Vision: A Collection of Puritan Prayers and Devotions by Arthur Bennett – Pagnanasa