Kamakailan ay inilunsad ng Modern Reformation page sa ilalim ng pamamahala ng Tagum Reformed Fellowship at sa pangunguna nila Bro. Randz and Bro. Tim ang Truth in Focus na naglalayong ipahayag ang katotohanan sa payak (simple) na paraan. Ito ang ang pagpapaliwanag ng katotohanan tungkol sa Salita ng Diyos sa payak na paraan. Panoorin dito ang video ng kanilang panimula.
Ang unang mga diskusyon nila ay patungkol sa banal na Kasulatan. Kanilang pinag-usapan ang pangangailangan at mga katangian nito. Ang mga sumusunod ay limang bahagi nito. Maaari nyo ring mapananood ang kabuuan ng mga ito sa YouTube or sa Facebook.
Ang Banal na kasulatan ay:
- Kinakailangan (Its Necessity)
- May Awtoridad (Its Authority)
- Walang pagkakamali sa turo at sa nilalaman (Infallibility and Inerrancy)
- Sapat (Its Sufficiency)
- Malinaw (Its Clarity)
Sa Unang Bahagi ay pinag-usapan ang General. Hindi maitatanggi ng sinuman na mayroong nag-iisang Diyos, pero patuloy na pinipigil ng mga tao ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan. Ito ay malinaw na inihayag sa Romans 1:18-32. Gayunpama’y hindi ito sapat ang kapahayagang ito para sila ay maligtas, kaya kinakailangan ang Special Revelation. At ito ay naihayag lamang sa Kanyang Salita, ang Bibliya.
Sa Ikalawang Bahagi ay tungkol sa self-authenticating nature ng Banal na kasulatan. Ibig sabihin, pinapatunayan ng Kasulatan ang kanyang sarili. Hindi ito nakadepende sa ibang kapahayagan o sa isang institusyon man. Kanila ding pinag-usapang ang canon, kung bakit 66 books lang ang meron sa ating Bibliya.
Sa Ikatlong Bahagi, makikita natin ang kahalagahan ng Infallibility at Inerrancy ng Kasulatan, na ito ay walang pagkakamali sa turo at sa nilalaman. Dahil ang katotohanan ng Salita ng Diyos ay ayon sa katotohanan ng Diyos na ganap at di nagkakamali, hindi maaaring magkamali ang Kasulatan hanggang sa pinakamaliit na detalye nito.
Ang Ika-apat na Bahagi ay tungkol naman sa Kalinawan (Clarity) ng Kasulatan. Ang kalinawan ng Kasulatan ay kaugnay sa linaw ng Salita ng Diyos. Mahalaga ang katuruang ito dahil kung hindi malinaw ang Kasulatan ay walang katiyakan ng Kaligtasan.
At sa huling bahagi (Part 5) ay binigyang linaw ang kasapatan (sufficiency) ng Banal na kasulatan. Ang Salita ng Diyos ay hindi omni-sufficient. Ibig sabihin may mga bagay sa mundo na hindi pinapatunguhan ng Bibliya. Ito ay sapat sa partikular na layunin ng pagkakasulat nito, at ito ay tinatawag na redemptive revelation o kapahayagan tungo sa katubusan ng tao.
Tunay na ang Kasulatan ay ang natatanging kapahayagan na hininga ng Diyos (God-breathed – theopneustos). Ito ay mahalaga at ito ang kinakailangan upang makilala natin ang tunay na Diyos tungo sa ating kaligtasan sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo lamang.
Mag-subscribe sa kanilang Youtube Channel para sa mga susunod na videos. Tunay na biniyayaan ng Diyos ang Kanyang Iglesia ng malinaw at simpleng pagpapahayag ng mga katotohanan na kailangan ng Kanyang mga tao.
Sa Diyos lamang ang papuri!