Pangalan ni Hesus

Diyos na sumisiyasat ng lahat,

Nababasa Mo ang aking puso,
Namamasdan ang tuntunin at sanhi ng mga kilos ko,
at nakikita ang lubhang karumihan ng aking mga tungkulin
higit sa ‘king nakikita sa bawat kong kasalanan.

Kalangitan ay marumi sa paningin Mo,
at pinatawan ang mga anghel bilang mga hangal;

Handa ko na’ng iwan ang aking sarili dulot ng kasamaan ko;
Gayun pa ma’y di mo ako tinatakwil,
at iniisip ang paraan ng pagbalik ko sa ‘Yo,
at sa ‘Yong anak na namatay upang ako’y mabuhay.

Karangalan Mo’y tiyak at hayag maging sa bawat pagtakas ko sa ‘Yong mga banta,
at sa gayon, sa pamamagitan ni Hesus,
kung sa’n nagtatagpo ang awa’t katotohanan
maging kapayapaan at kat’wiran.

Sa Kanya, ang mga inalipin ay makakahanap ng katubusan,
mga nagkasala, kapatawaran,
mga masasama, panibagong buhay

Sa Kanya’y lakas na panghabang panahon para sa mga mahihina,
‘di-mawaring kasaganahan sa mga nangangailangan,
yaman ng karunungan at kaalaman sa mga mangmang
at kapuspusan sa mga salat.

Sa mabiyayang pagtawag ay naririnig, tinatanggap, lumalapit, ginagamit,
at tinatamo ko ang biyaya Mo
‘di lamang magpasakop sa ‘Yong awa kundi magpahinuhod dito,
‘di lamang dakilain ang krus kundi sa kanya na pinako’t pinaslang,
‘di lamang galak sa kapatawaran kundi sa kanya na pinagmulan ng pagtutubos.

Mga pagpapala Mo’y tiyak gayong sila’y dakila,
Nagkaloob ka para sa’king kaligtasan at kasaganahan,
at nangakong ako’y magiging matatag at malakas

O Panginoong Diyos,
kung wala ang kapatawaran sa’king kasalananay ‘di ako matatahimik,
Kung wala ang pagbabago ng aking kalikasan, sa biyaya Mo,
ay ‘di ako magiging tiwasay,
Kung wala ang mga pangako ng langit,
ay ‘di ako mapapayapa.

Taglay ko ang lahat ng ito sa ‘Yong anak na si Hesus;
Purihin ang kanyang pangalan.

Amen.

SOLI DEO GLORIA!


Repost from the Modern Pilgrim’s Salinlahi Project: A tagalog translation of the Valley of Vision: A Collection of Puritan Prayers and Devotions by Arthur Bennett – Pangalan ni Hesus

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: