Si Kristo ang Lahat

O Mangingibig sa kaibuturan,

Nawa’y maunawaan ko ang lambot ng ‘Yong puso,
sa sabsaban ng ‘Yong pagsilang,
sa hardin ng ‘Yong paghihirap,
sa krus ng ‘Yong pagdurusa,
sa libingan ng pagkabuhay Mong muli
at sa langit ng ‘Yong pamamagitan.

Sa diwang ito’y matapang akong lumalaban sa’king kaaway
gapiin ang kanyang mga tukso,
tanggihan ang kanyang mga balak,
talikuran ang mundo,
at magpakagiting sa katotohanan.

Palalimin mo sa ‘kin ang diwa ng banal kong relasyon sa ‘Yo,
bilang Lalaking Ikakasal,
bilang kaisa ni Jehovah,
bilang Kaibigan ng makasalanan

Naiisip ko ang l’walhati Mo at kasamaan ko,
ang karinglan Mo at kabuktutan ko,
ang kagandahan Mo at kakulangan ko,
ang kadalisayan Mo at karum’han ko,
ang katuwiran Mo at kasalanan ko.

Inibig Mo ako nang wagas at ‘di nagbabago,
nawa’y ibigin din kita gayong ako’y inibig Mo.

Ibinigay Mo sa’kin ang ‘Yong sarili,
nawa’y ibigay ko rin ang aking sarili sa ‘Yo
sa ‘king bawat sandali,
sa ‘king bawat kaisipan,
sa ‘king bawat pagtibok.

Hindi nawa ako makipaglaro sa mundong ito
at sa kanyang mga pang-aakit,
bagkus ay lumakad sa ‘Yong tabi,
makinig sa ‘Yong tinig,
damtan ng ‘Yong mga kaloob,
at gayakan ng ‘Yong katuwiran.

AMEN.

SOLI DEO GLORIA!


Repost from the Modern Pilgrim’s Salinlahi Project: A tagalog translation of the Valley of Vision: A Collection of Puritan Prayers and Devotions by Arthur Bennett – Si Kristo ang Lahat

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

2 thoughts on “Si Kristo ang Lahat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: