Pakikipag-isa kay Kristo

Aking Ama,

Nilalang Mo ang tao para sa ‘Yong kal’walhatian,
at kung ‘di man kagamitan sa l’walhating iyon
ay wala siyang pakinabang;

Walang kasalanang makahihigit sa ‘di pananalig,
‘pagkat kung ang pakikipag-isa kay Kristo’y pinakamataas na pakinabang,
ang ‘di pananalig ay ang pinakasukdulang kasalanan,
bilang hadlang sa Kanyang kautusan;

Batid ko na anuman ang aking kasalanan,
ay wala pa ding kasalanang tutulad sa pagkawalay kay Kristo dulot ng ‘di pananalig.

Panginoon, ilayo mo ako sa pagkakasalang ito ng pagkawalay sa kanya,
‘pagkat ‘di ko magagawa sa buhay na ito ang ganap na sumunod at kumapit sa Kanya.

Kapag binabawi Mo ang pagpapala Mo sakin, ito’y dulot ng kasalanan,
sa ‘di pagkilalang ang lahat ng ito’y buhat sa iyo,
sa ‘di paglilingkod sa kung ano’ng may’ron ako,
at sa pagiging tiwasay at matigas.

Ang mga marapat na pagpapala’ng lihim kong diyus-diyosan,
at nagdudulot ng lubos na sakit;
ang pinakamatinding pinsala’y sa pagkakaroon,
ang pinakamataas na pakinabang ay sa pagbawi Mo nito.

Sa pag-ibig Mo, hubarin nawa’ng mga pagpapalang ito,
upang higit kitang ma’lwalhati;
alisin Mo ang gumagatong sa mga sala ko,
at ingatan ang pakinabang ng isang munting kabanalan
bilang mas matimbang kaysa sa’king mga kawalan.

Sa higit kong pag-ibig sa Iyo nang tunay at mabiyaya,
ay mas higit kong ninanais na ibigin Ka,
at ako’ng higit na kaawa-awa sa pag-asam ng pag-ibig Mo.

Sa higit kong paghahangad at pagkauhaw sa Iyo,
ay mas higit akong nanghihina’t nabibigo sa paghanap sa Iyo,
Sa higit na pagkawasak ng puso ko sa kasalanan,
ay mas higit kong pinapanalanging mawasak pa ito.

Ang matindi kong kasamaa’y ‘di pag-alala sa mga kasalanan ng aking kabataan,
hindi, ang mga kasalanan ko sa isang araw’y lumilimot sa susunod.

Ingatan Nawa ako mula sa mga bagay na nagdudulot sa’kin ng ‘di pananalig,
o sa kakulangan ng damdamin ng pakikipag-isa kay Kristo.

Amen.

SOLI DEO GLORIA!


Repost from the Modern Pilgrim’s Salinlahi Project: A tagalog translation of the Valley of Vision: A Collection of Puritan Prayers and Devotions by Arthur Bennett – Pakikipag-isa kay Kristo

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

2 thoughts on “Pakikipag-isa kay Kristo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: