Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu: Ang Trinidad

Tatlo na iisa, pinag-isa na tatlo,
Ang Diyos ng aking kaligtasan,


Amang nasa langit, Anak na pinagpala, walang hanggang Espiritu,
Pinipintuho[1] kita bilang pagiging Isa, isang Esensiya
Isang Diyos sa tatlong natatanging Persona,
sa pag-dala ng mga makasalanan sa’yong karunungan at kaharian;

O aking Ama, ako ay inibig mo at sinugo si Hesus upang tubusin ako;
O Hesus, ako ay inibig mo at lumagay sa katauhan ko,
nagtigis[2] ng sariling dugo upang hugasan, aking mga kasalanan
at dinamit yaring katuwiran, upang takpan aking karumhan;
O Banal na Espiritu, ako ay inibig mo at nanahan sa’king puso,
nagtanim ng walang hanggang buhay
at ipinahayag ang mga kadakilaan ni Hesus

Tatlong Persona at isang Diyos, pinupuri at nilul’walhati kita
sa pag-ibig na sadyang di-karapatdapat at di-mabigkas,
sadyang kahanga-hanga at makapangyarihang nagliligtas
ng mga naliligaw at ibangon sila sa kadakilaan.

O aking Ama, pinasasalamatan kita,
na sa kalubusan ng biyaya ay ibinigay mo ako kay Hesus,
na maging tupa, hiyas, at bahagi niya;
O Hesus, pinasasalamatan kita,
na sa kalubusan ng biyaya ay ‘yong tinanggap, binigkis at niyakap;
O Banal na Espiritu, pinasasalamatan kita,
na sa kalubusan ng biyaya ay ‘yong ipinamalas si Hesus bilang aking kaligtasan
itinanim sakin ang pananampalataya, sinupil mo ang matigas kong puso
at ginawang Kanya, kailan pa man

O aking Ama, ika’y nakaluklok upang dinggin ang aking mga panalangin;
O Hesus, ang ‘yong kamay ay umaabot upang kunin aking mga pamanhik;
O Banal na Espiritu, ika’y nalulugod na tumulong sa’king kahinaan
na ipakita ang aking kailangan, mga salita ay ilaan, para saki’y mamagitan
at magpalakas sa’kin upang sa pagdaing ay ‘di panghinaan

O Trinidad na Diyos, na syang nag-utos sa sanlibutan,
ikaw ang nag-atas sa akin na humingi ng mga bagay
na yaong may kaugnayan sa ‘yong kaharian at sa’king kaluluwa;
Nawa’y mabuhay at manalangin bilang isang nabautismuhan
sa ‘yong pinagtatlong Pangalan…

Amen.


Talasalitaan:
[1] Pinipintuho – sinasamba (adore)
[2] Nagtigis – nagdanak (shed)

Repost from the Modern Pilgrim’s Salinlahi Project: A tagalog translation of the Valley of Vision – Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu: Ang Trinidad

Published by Jeff Chavez

Sinner saved by grace

4 thoughts on “Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu: Ang Trinidad

      1. I see.Wala ba yan copyright? Yung isang ministry na involved din ako eh nagtrantranslate sa Tagalog dati kaso sabi ko baka copyrighted siya

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: